^

PSN Opinyon

Kandidato ng China: sugo ng komunista

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

May kandidatong governor sa North Luzon na nais pumasok hindi lang Chinese investors kundi pati People’s Liberation Army sa probinsiya niya. May kandidatang kon­gresista sa Quezon City na partner ng mga Chinese na nag­­benta ng mahal na pandemic supplies sa gobyerno. Ka­par­tido siya ng kandidatong meyor na nagbigay sa Chinese ng minahang ginto nu’ng 2005 maski labag sa Kons­titusyon.

Suportado sila ng kandidatong pangulo na malapit sa Chinese Communist Party, kaya ayaw ipagtanggol ang ating pangisdaan kontra sa Chinese fisheries militia. Katam­bal­ niya ang nais mag-VP para ituloy ang pagiging­ masu­nurin sa Communist China.

Kaalyado nila ang isang dating pinuno na kumontrata­ sa China nang may kickback na $200 milyon (P10 bilyon­). Kaalyado rin ang dalawang kandidatong senador­ na kun­wari’y makabayang estudyante noon pero inaabo­gado­ ang China ngayon.

Ilan lang sila sa mga kandidato ng China sa Halalan 2022.

Hindi nakakagulat na pinopondohan sila ng Chinese Communist Party. Ipupuwesto sila ng CCP para isulong ang interes nito—ang pag-agaw ng West at East Philippine Seas. Tinututa rin ng CCP ang mga piling pulitiko sa Australia, New Zealand, Malaysia, America at Africa para ipalaganap nang lubos ang impluwensiya.

Mura lang para sa CCP na magpondo ng traydor. Ang P1 bilyon na pangkampanya ay $20 milyon lang. Gapatak lang ‘yan ng P12 bilyon na kinita ng Chinese at mga kasa­pakat sa pandemic supplies. Sa ilalim sila ng Chinese state agent na binisto ng Senado.

Maging mapanuri. Huwag ihalal ang kandidato ng China­. Walang dayuhan o tuta nito na nagpabuti sa Pilipinas. Nilupig na tayo noon ng Kastila, Amerikano at Hapones. Nag­hirap, minasaker ang Pilipino. Pag-aawayawayin tayo ng China para makontrol ang ilang probinsiya, bahura, at West at East Phi­lippine Seas. Wawasakin ang ating Republika.

vuukle comment

CHINESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with