^

PSN Opinyon

Kakaba-kaba

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SIMULA pumasok ang 2022 hanggang kasalukuyan, week after week, after week after week, walang nagbago pagdating sa ‘survey positioning’ ng mga presidential candidate.

Iyong nangunguna, malayo pa rin ang agwat, way ahead pa rin hanggang sa ngayon kung ang survey ang pag-uusapan. 

Mga reputable survey firm itong mga ‘to ha. Iisa lang ang lumalabas na resulta, hindi nagkakalayo ang mga figures nila. 

Inaasahan ho natin, kasi noong nakaraang 2016 pre­sidential election naglabas ng survey ang SWS ilang araw bago isagawa ang eleksiyon. 

Ano kaya ang pakiramdam ng isang kandidato kapag malayo ang kanyang puwesto sa survey? Kahit sino na sa kanilang 10 presidential aspirants, ngayong ilang araw na lamang ay botohan na.

Maaring tumawa na lamang sila, pero sa kanilang dam­damin ay alam na nila ang katotohanan. Masakit man, kaila­ngang itago’t hindi nila ipinakikita ang tunay na damdamin.

Siguro naman kahit sino, kapag ika’y tatakbo at nakikita mo sa survey na hindi maganda ang resulta’t posis­yon mo, ano kaya ang pakiramdam mo?

‘Yung iba, mataas pa rin ang fighting spirit—wala namang masama roon. Nakatawa lang, hyper pa rin at kinokondisyon ang sarili sa salitang “tiwala lang, konting push pa, konting tulak pa,” mararating din natin ang palasyo.

Subalit ang totoo, kapag ang survey mo ay halatang malayo, aminin man o hindi na sa iyong pag-iisa ay kina­kabahan ka. 

May iba naman,  may “denial syndrome”. “Wala yan, maniwala ka diyan sa mga survey-survey na ‘yan, pagdating ng eleksiyon, ay magkakaalaman.”

Alam n’yo ba na sa ilang presidential elections nang nagdaan, survey ang nagiging batayan. 

Sa totoo lang, 99% yan—sige na nga, ibigay na natin yung 1% baka sakaling magkaroon ng milagro. 

Baka makuha sa dasal-dasal at nang magbago ang ihip ng hangin. O di naman kaya ay may mangyayari na ikaw lang ang nakakaalam kung ano man ang nasa isip nyo at mga supporters niyo. 

Ako kasi,  inaabangan ko ang survey, hindi ko na sinusundan ang mga balita. Dahil ang mata ng publiko, partikular ng mga botante ay nakatuon na sa mga survey at mga political sorties o mga rally.

Subalit kuwidaw sa mga mental o mind conditioning katulad ng tinatawag nating visual narratives gaya ng pakitaan ng dami o crowd o “ocean of people”.

May ibig sabihin ‘yan, may tagong mensahe riyan kaya magbantay, magsuri kayong maigi.

vuukle comment

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with