^

PSN Opinyon

Strep throat at tonsillitis  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAS seryoso ang bacterial infection kumpara sa viral infection. Ang karaniwang dahilan ng bacteria sa lalamunan ay Strep throat.

Streptococcal bacteria ang dahilan ng strep throat at sobrang nakahahawa ito. Kumakalat ito sa hangin sa pag-ubo o paghatsing o kaya sa pagsalo sa pagkain at inumin. Maaari rin ito makuha sa pintuan, cell phone, mesa at gamit sa bahay, at mailipat ito sa iyong ilong at bibig.

Kadalasang nabubuo ang strep throat sa loob ng dalawa hanggang pitong araw pagkatapos mahawa ang isang tao. Ang mga batang edad lima hanggang 15 ay madalas mahawa sa kaklase.

Karaniwan sintomas ng strep throat ay:

1. Pamamaga ng tonsils at kulani.

2. Masakit kapag lumulunok.

3. Mapula at may nana sa lalamunan.

4. Mataas na lagnat.

Ang strep throat kung hindi magagamot ay maaaring­ humantong sa komplikasyon gaya ng pamamaga ng kidney­ at rheumatic fever. Ito ay kinakailangang maga­mot­ ng tamang dosis ng antibiotics. Kumunsulta sa iyong doktor.

vuukle comment

BACTERIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with