^

PSN Opinyon

Kasal ng katutubo (Last part)  

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG RA 8371 (Indigenous Peoples Rights Act of 1997) pati ang batas na nagpapatupad sa implementasyon nito ay kumikilala sa mga kasal na hindi Kristiyano ang sangkot pero hindi ang paraan para lusawin ang kasal. Wala raw binabanggit tungkol sa diborsiyo sa ating estado maliban sa legal na diborsyo sa mga Muslim (Code of Muslim Personal Laws). Tama ba ang RTC at CA?

TAMA. Ayon sa Supreme Court, malinaw na kinikilala ang kasal ng mga hindi Kristiyano sa ating lumang Civil Code at pati na rin sa IPRA-IRR basta’t ginawa ang kasal ayon sa ritwal o tradisyon ng mga katutubo.

Pero walang binabanggit sa ating batas tungkol sa pagkilala ng paglusaw sa kasal maliban sa diborsyo ng mga Muslim na kinilala ng gobyerno sa ilalim ng Pre­sidential Decree 1083 o ang tinatawag na “Code of Muslim­ Personal Laws of the Philippines”. Walang parehas na batas ang mga Ibaloi tungkol sa paglusaw ng kani­lang kasal.

Kahit sabihin pa natin na pinapahalagahan sa ating Saligang Batas ang mga katutubo ay wala pa rin sapat na ebidensiya para patunay na: (1) kinikilala sa kultura ng Ibaloi ang diborsiyo; (2) pangunahing aspeto ito ng kani­lang kultura; (3) na ang tradisyon ng diborsyo ay umiral mula pa noong unang panahon hanggang sa ngayon, at (4) may malinaw na paraan at proseso tungkol sa kulturang ito.

Kaya hindi nagkamali ang CA nang hindi nito lusawin ang kasal nina Lito at Lita. Kaya bilang resulta, ang sumunod na kasal nina Lito at Pacing ay hindi legal o walang bisa magmula pa noong umpisa.

Ang estado nina Tita, Pinang, Wima, Rosa at apat nilang kapatid ay mga ilehitimong anak ni Lito lamang kaya ang karapatan nila sa mana ay hindi na maaaring kuwestiyunin (Critita Anaban et. al. vs. Betty Anaban-Alfiler et. al., G. R. 249011, March 15, 2021).

vuukle comment

MUSLIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with