^

PSN Opinyon

Keep safe, ProudMakatizens:Sundin ang health protocols

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

NAGBABANTA ang muling pagtaas ng dami ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa dahil sa muling pagbubukas ng mga establisimento, negosyo, at pagbabalik sa trabaho ng ating mga kababayan. Dito sa Makati ay full-force na ang mga kumpanya at halos 100% na ng mga empleyado ang nakabalik sa kani-kanilang opisina maliban sa iilang Business Process Outsourcing companies (BPOs).

Napakarami na rin ang nakakapagbiyahe at muling nagpupunta sa kanilang paboritong resorts at lugar-bakasyunan sa iba’t ibang panig ng bansa. Dahil dito ay inaasahan ang malaking surge ng kaso ng COVID sa susunod na buwan, lalo na at magkakaroon ng national elections sa May 9, 2022. 

Nais ko sanang paalalahanan ang lahat ng #ProudMakatizens na huwag maging kampante at huwag kalimutan ang health at safety protocols na ating sinunod nitong nakaraang dalawang taon. Ang pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay at paggamit ng hand sanitizer, at physical distancing ay makakatulong pa rin para pigilan ang pagkalat ng coronavirus sa ating komunidad, lugar ng trabaho, at maging sa loob ng tahanan.

Dito sa Makati ay mababa na ang insidente ng COVID. Sa katunayan, simula April 3, 2022 ay wala nang ina-admit na COVID-19 patients sa Ospital ng Makati. Sa aking palagay, bunga ito ng magandang pagtanggap ng mga Makatizen sa ating Bakuna Makati program at sa malawakang information drive na ating ginawa tungkol sa pag-iingat sa COVID-19 noong simula pa lamang ng pandemya.

Para naman sa mga hindi pa nakakapagpa-booster, muli akong nagpapaalala na bukas ang ating Bakuna Makati vaccination sites para sa Makati residents pati na rin mga taga ibang lugar.

Bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. ang Cembo Health Center, East Rembo Health Center, Rizal Health Center, San Isidro Health Center, Comembo Health Center (for 5 to 11 years old), Guadalupe Viejo Center (for 5 to 11 years old).

Samantala, ang Ayala Malls Circuit, San Lorenzo Place Mall, SM Makati (5 to 11 years old) naman ay bukas Martes hanggang Sabado, 10:00 a.m. hanggang 6:00 p.m.

Kung sa Makati natanggap ang first at second dose, maaari nang mag-walk-in sa mga vax sites na ito para sa inyong booster shots gamit ang lumang registration at confirmation code. Kung hindi sa Makati natanggap ang first at second dose, kailangan munang mag-register sa https://www.covid19vaccine.safemakati.com sa ilalim ng “Non-Makati LGU Vaccinated Individuals”, bago magtungo sa vaccination site.

Malayo na ang ating narating sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Unti-unti na rin nating nakikita ang pagsigla ng ekonomiya at pag-usbong ng mga bagong negosyo at pag-asa sa mas magandang kinabukasan.

Dalangin ko ang patuloy na magandang kalusugan at kalakasan ng bawat isa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with