^

PSN Opinyon

Bantay Pulitiko 2: Arjo Atayde

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Millennial, kilala ng lahat dahil artista. Ang pagkakaiba, “anticipative”. Laging alerto, tutok sa mga panga­ngailangan.

Hindi tipikal na pulitiko’t kandidato. New generation.

Sinilip ng BITAG ang laman ng Facebook page ni Arjo Atayde na tumatakbong representative ng 1st dis­trict ng Quezpon City.

Hindi sa nakikialam ang BITAG, sinusuro at sinasala namin. Napansin ko agad na ang batang ‘to ay maru­nong makinig. May kakayahan siyang i-ingest, i-digest ang boses ng nasa paligid niya.

May talento si Arjo na sa pamamagitan lamang ng pagmamasid at obserbasyon sa kanyang mga nakikita, alam niya agad ang pangangailangan na dapat punuan sa kanyang komunidad.

Ang tawag dito, anticipative. Kaya kapag may umus­bong ng problema, alam agad ang solusyon, kilos agad si Arjo.

Kumpara roon sa mga tipikal na tulad ng iba, nagka-tahong na sa kanilang panunungkulan, sa tagal ng panahong nasa posisyon ay nagkalumot na.

Gusto pa ring manatili sa posisyon kahit walang bago sa kanilang estilo na kinasasawaan na ng mga tao.

Itong mga millennial na kandidato, bini-break ang typical­ na “public service” na nasaksihan at nakasa­nayan ng publiko na “puwede na”.

Panahon na para baguhin natin ang sistemang ‘yan. Magkaroon na ng bagong pamantayan na sinisimulan na ng “Bagong Henerasyon” hindi pa man sila nakaupo o wala pa man silang posisyon.

Kaya binabantayan ngayon ng BITAG ang mga millennial na kandidato sa Quezon City kung saan nandito rin ang headquarters ng BITAG.

Nasa gabay ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga kandidatong ito. Dito magkakasubukan at makikita ang pagkakaiba ng tradisyunal, tipikal at mga bagong mukha sa line-up ni Mayora.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with