^

PSN Opinyon

Pre-shaded ballots siyasating mabuti

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Sa nakalipas na paksa sa kolum na ito, nasabi ko ang pangangailangang pagtiwalaan natin ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng nalalapit na May 9 presidential polls. Pero hindi pa man naidaraos ang eleksyon, kung anu-anong balita na ang kumakalat na naka­wawasak sa kredibilidad ng kondisyon.

Kaya dapat imbestigahang mabuti ng Comelec ang mga balita ng may mga pre-shaded ballots sa Singapore at Dubai para sa advanced voting o ang tinatawag na overseas absentee voting ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa naturang mga bansa.

Ito ba’y may katotohanan o pakana ng mga nais siraan ang integridad ng eleksyon? Ang paglilinaw ng Comelec, malamang ito ay isang fake news na ipinakakalat. Kaya naman tiniyak ng poll body na ito ay masusing sisiyasatin ng itinatag na Comelec Task Force.

May mga reklamo kasi mula sa mga netizens na nasa ibang bansa na sila mismo ay tumanggap ng mga balita ng pre-shaded. Ibig sabihin, initiman na ang mga oblong sa tapat ng mga kinauukulang kandi­dato.

Fake news man ito o totoo, kailangang masiyasat­ itong maigi ng Comelec dahil diyan nakataya ang kre­dibilidad ng institusyon. Posible nga na ito ay puwedeng gamitin ng mga matatalong kandidato para sa kanilang isusulong na protesta.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with