^

PSN Opinyon

Temporary jail project ni Gen. Medina, suportado ni QC Mayor Belmonte!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

“KAHIT preso man, tao pa rin sila.” Ito ang katwiran ni Quezon City Police District director Brig. Gen. Remus Medina na nagtulak sa kanya para magtayo ng QCPD temporary centralized custodial facility para pangalagaan ang kalusugan ng mga preso sa siyudad ni Mayor Joy Belmonte. Sa kasagsagan ng pandemya, lomobo ang bilang ng mga preso sa 16 police stations ng QCPD dahil nagsara ang mga korte sa takot na magkahawahan ang mga hukom at empleyado.

Sa kanyang pag-upo bilang QCPD director, ang unang ginawa ni Gen. Medina ay ikutin ang police stations at nakita niya first hand ang sitwasyon ng mga preso. May iilang police stations kasi na malaki ang kulungan subalit karamihan sa mga ito ay maliliit lang dahil sa kapirasong lupa na kinatatayuan nito at doon nagkaroon ng overcrowding, ani Gen. Medina. Sa bilang ni Gen. Medina may dalawang preso na namatay sa sakit sa overcrowded na kulungan. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Dipugaaaaa!

Siyempre, naantig ang puso ni Gen. Medina sa natuklasan kaya naghanap talaga siya ng bakanteng building sa loob ng QCPD headquarters sa Camp Karingal para i-develop na temporary holding center ng mga preso. At pinagawa niya ang concessionaire building ng PNP, na pinopondohan ng Department of Public Works and Highways (DPHW), at na convert nga itong temporary custodial facility ng QCPD. Nagawa na ang ground floor at 2nd floor ng building kung saan umaabot na sa 530 preso sa 16 police stations ang nailipat doon.

Ang dalawang floors ay makaka-accommodate ng 1,000 preso, ani Gen. Medina. May Phase 2 pa ang construction ng building at suportado ito ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. “Tuwang-tuwa si Mayor Belmonte dahil nasolusyunan ang jail congestion namin. Naalagaan din ang kalusugan ng mga preso dahil pinapairal namin sa loob ng kulungan ang health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF),» ayon pa kay Gen. Medina. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Action agad itong si Gen. Medina, ano mga kosa?

Kaya naman napupuno ang mga kulungan sa mga police stations kasi halos kada linggo kung magsagawa ng Simultaneous Anti-Crime Law Enforcement Opeartions (SACLEO) ang mga bataan ni Gen. Medina. Hindi lang ‘yan, pinaigting din ng QCPD director ang pag-serve ng arrest at search warrants kaya nalinis ang kalye ng Quezon City sa mga kriminal. Sa ngayon, 50 porsiyento ng mga preso sa police stations ay inilipat sa temporary custodial facility ng QCPD, lalo na ‘yung may kasong murder, illegal drugs at ang iba naman na hinihintay na lang ang committment order ng korte.

Kaya naman mabagal ang proseso sa paglipat sa PNP building dahil istrikto talaga ang pag-ayos ng mga papeles at mahigpit na pinapairal ang health protocol ng IATF. Suportado ni Mayor Belmonte ang mga proyekto ni Gen. Medina dahil alam niya na para ito sa kapakanan at kaunlaran ng siyudad. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Iba na ang magaling at may pusong pulis tulad ni Gen. Medina. Abangan!

vuukle comment

JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with