^

PSN Opinyon

Isang buwan na lang

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

ISANG buwan na lang at malalaman na rin natin kung sino ang susunod na presidente ng Pilipinas sa darating na May 9 elections.

Sino sa mga presidentiables ang mananalo at sinu-sino sa mga magkatunggali sa iba’t ibang posisyon mapalokal man o national office ang papalarin ay may isang buwan na lang din sila at malaman na rin nila ang resulta ng kanilang kampanya.

Marami pa ang mangyayari sa loob ng isang buwan at di pa rin tayo nakakasiguro sa kahinatnan nitong darating na halalan kahit pa man sa mga  resulta ng mga preferential surveys na lumalabas.

Hindi puwedeng maging kampante ang sinuman sa mga kandidato maliban na lang sa mga walang katunggali.

At sa Hunyo 30, eksaktong alas dose ng tanghali, bababa na sa kanyang opisina si President Duterte. Kasunod niyon, siya ay magiging ordinaryong mamamayan na lamang.

Inaasam-asam na ng mga Dabawenyo ang pagbabalik ni President Duterte dito sa Davao City at hindi na niya kailangan pang bumiyahe uli patungong Maynila para magpa-check ng attendance sa Malacañang at gampanan ang kanyang tungkulin bilang presidente ng bansa. 

Hintayin na lang natin ang isang buwan at malalaman na rin natin kung sino ang hahalili kay President Duterte.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with