^

PSN Opinyon

Marcos plus Sotto equals MarSo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IBA na talaga ang voters ngayon. Ayaw bumoto ng tandem kundi kukuha ng vice mula sa ibang partido para itambal sa gusto nilang presidente. Wika nga, may kani-kanilang perpektong kombinasyon.

Sa social media,  viral ngayon ang tambalang MarSo, pinagsamang pangalan nina presidential bet Ferdinand Bongbong Marcos at vice presidential aspirant at Senate­ Prexy Tito Soto. Si Marcos o BBM ay tumatakbong pre­si­dente sa ilalim ng Partido Federal at ang opisyal na ka­tambal ay si Davao City Mayor Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago. 

Si Sotto, bagama’t kasapi ng National People’s Coalition ay tumatakbong vice president ng Partido Reporma katandem ni presidential bet at Sen. Ping Lacson. Second lang si Sotto sa mga survey kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte na number one. 

Pero naniniwala ang mga nagsusulong ng MarSo na sa kanilang paglutang ay posibleng malampasan ni Sotto si Sara hanggang sa Mayo 9. Ang slogan  ng tambalang MarSo ay “Sa MarSo, MaSa Panalo.”

Marami nang sectoral leaders na naglalagay ng poster at nagsusuot ng MarSo t-shirt. Si Sotto ay mula sa parti­dong Nationalist People’s Coalition at kasalukuyang ka­alyado ni presidential candidate Ping Lacson na ngayo’y tumatakbong walang Partido matapos ilaglag ni Panta­leon Alvarez ng Reporma.

Si Sotto  o Tito Sen. ang senate president mula 2018 hanggang ngayon. Isa rin siyang sikat na TV personality­ ng popular na programang “Eat Bulaga”. Bago naging senador, unang nagsilbi si Sotto bilang vice mayor ng Quezon City 1988 hanggang 1992. Samantala, hindi pa rin natitinag si BBM sa pangunguna sa survey ng Pulse Asia, SWS, Octa Research at marami pang poll surveys bilang frontrunner para ihalal na bagong presidente ng bansa sa Mayo 9, 2022.

Dapat nang magtrabaho ang mga katunggali ni BBM, lalo na ang nangungunang oposisyon para mabago ang trend bago maganap ang eleksiyon.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with