^

PSN Opinyon

Free meal program ni Eleazar sa public schools  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

BALAK ni senatorial candidate Gen. Guillermo Eleazar na magsulong ng programang magbibigay ng libreng pagkain sa mga pampublikong paaralan, ‘di lang para matugunan ang problema sa nutrisyon ng mga estud­­yante, kundi pati makatulong sa sektor ng agrikultura. Sa programa ni Eleazar tiyak na malaki ang maitu­tulong sa edukasyon ng mga kabataan at siyempre para lalong madagdagan ang kita ng mga mahihirap nating mga magsasaka.

Target ni Eleazar na ituon ang programa sa mga estudyanteng nasa pre-school at elementary level, lalo na ang mga nasa pinakamahihirap na lalawigan. Hindi naman kaila sa ating kaalaman na marami pa ring mga paaralan sa ngayon na malalayo ang nilalakad ng mga estudyante bago marating ang mga paaralan, kaya karamihan sa mga ito ay nakakaranas ng pagkalam ng sikmura na nagpapahina ng kanilang resistensiya.

Sa kanyang plano, balak ni Eleazar na palakasin ang ugnayan at bigyan ng karagdagang pondo ang Department of Education at Department of Agriculture para makabili ng mga produkto ng mga lokal na magsasaka na gagamitin sa paggawa ng pagkaing ipamimigay sa mga estudyante. “Dalawa ang makikinabang dito. Una ang ating mga mahihirap na kababayan na may problema sa malnutrisyon ng kanilang mga anak at pangalawa ay ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng mga aning gulay, prutas at iba’t ibang aning produkto para gamitin sa prog­ramang ito,” ani Eleazar.

Magkakaroon ng pagkakakitaan ang mga magsasaka at hindi na sila mahihirapan pang magbenta ng kani­lang mga produkto. Bilang isang likas na probinsiyano at naging miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nadestino sa iba’t ibang lalawigan bago nahirang na PNP chief, personal na nasaksihan ni Elea­zar ang pag-absent sa paaralan ng ilang estudyante dahil sa kahirapan. Mayroon pa ngang mga kabataan ang napipilitan na lang magtrabaho sa murang edad para makatulong sa magulang imbes na mag-aral.

Kahirapan ang pangunahing dahilan ng mababang performance ng mga estudyante sa malalayong lugar, at nakadaragdag pa rito ang hindi masustansyang pagkain. Ito rin ang dahilan ng malaking “learning gap” sa pagitan ng mga estudyanteng nasa mahihirap na lalawigan at maging sa mga estudyanteng nasa Metro Manila. May ilan pa nga sa mga estudyante na isinusubsob sa trabaho ng kanilang mga magulang upang mapag-aral ang mga anak sa mga pribadong paaralan upang sa pagtatapos nito ay makaahon sila sa paghihirap.

Sa panahon kasi ngayon kailangan ang may pinag-aralan upang makakumpitensiya sa paghahanap ng trabaho. Kaya kung kulang ang suporta ng pamahalaan, tiyak na maraming mga kabataan ang mapapabayaan ang edukasyon dahil sa murang edad ay mapipilitan na itong magtrabaho upang makaraos sa pagkagutom. 

“We need to address this problem and I believe this free meal program is one of the ways to narrow the learning gap. Maraming magagaling na estudyante sa public schools pero naapektuhan ang kanilang galing dahil sa kahirapan sa buhay,” ani Eleazar, na pumasok sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang high school.

Kaakibat ng free meal program na isusulong ni Eleazar ang pagsusulong din ng regular na dental, eye, at medical check-ups sa mga pampublikong pa­aralan. “We need to invest a lot in the children, the youth, because they are our future. The government owes to them the best that it could give in ensuring their good health and proper education,” ani Eleazar.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with