^

PSN Opinyon

Paano ibababa ang presyo?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA harap ng walang habas na pagsirit sa presyo ng mga bilihin, nangako ang Malacañang na reremedyuhan ng pamahalaan ang problemang ito. Ito na ang pinakamabigat na hamon ng pamahalaan.

Maghahalalan na sa Mayo 9 at matapos pa ang isang buwan ay mapapalitan na ang pamahalaan. Ang tanong, paano mapapababa ng gobyerno ang halaga ng mga bilihin gayung ilang linggo na lang ang nalalabi at mapapalitan na ito?

Unang-una, ang pagtaas sa halaga ng mga bilihin ay dulot ng tumataas na halaga ng petrolyo sa world market at walang kontrol diyan ang pamahalaan. Ngunit natural lang na magbitw ng ganyang pangako ang pamahalaan kahit mistulang sumusuntok sa buwan. Obligasyon ng gobyerno na harapin at lutasin ang lahat ng problema ng bansa.

Ang tunay na kalutasan sa problemang ito ay ang ating matalinong pagpili ng susunod na leader base sa mga tamang pamantayan: Unang una ay malinis na reputasyon at kakayahang mamahala sa gobyerno; May pang-unawa sa takbo ng ekonomiya – panlokal man o pandaigdig;

Kailangan ang isang leader na may determinasyong sugpuin ang graft and corruption na umuubos sa panana­lapi ng pamahalaan. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay masusi ko pang tinitimbang ang kuwalipikasyon ng mga kandidato lalo na sa pagka-Pangulo. May mga inalis na ako sa listahan at ang natitira ay pinag-aaralan ko pa.

Hindi natin dapat isara ang ating isip sa iisang kandi­dato lang. Patuloy tayong magsuri at kahit nasa presinto na tayo para bumoto, pakaisiping mabuti kung sino ang tunay na karapat-dapat.

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with