^

PSN Opinyon

Walang tiwala sa PNP?  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

POSIBLENG mauwi sa wala ang pinagpaguran ng PNP-Special Investigation Task Group (SITG) na nag-iimbestiga sa bigong pananambang kay Infanta, Quezon Mayor Fili­pina Grace America noong Peb. 27, 2022. Hindi umano nakipagtulungan si Mayor America sa imbestigasyon ng SITG at sa halip nagsampa ng kaso sa kanyang mga katunggali sa pulitika. Binuo ang SITG sa direktiba ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos kay Calabarzon Police Director Brig. Gen. Antonio Yarra isang araw makaraang tambangan si America at dalawang iba pa. Nakaligtas si America at mga kasama.

Kinasuhan ni America ng frustrated murder si mayo­ralty candidate Eriberto Escueta, incumbent vice mayor Lord Arnel Ruanto, Bobby Vargas, Ronil Nolledo, Jorraffin Plantilla at Gilbert Pacio. Inakusahan ni America sina Escueta at Ruanto na mga mastermind sa pananambang.

Napag-alaman sa pag-iimbestiga ng SITG na pinamumunuan ni Quezon Police Director Col. Joel Villanueva, nakilala na ang ilang suspect sa pananambang at ang motibo ng mga ito. Lumalabas na hindi pulitika kundi quarry operation at sugal ang ugat ng pananambang. Gayunman, ang kaso ay hindi pa naisasampa ng SITG sa piskalya dahil tumanggi umanong magbigay ng salaysay si America na naging palaisipan sa pulisya.

Bago pa man nagsampa ng reklamo si America, pina­ninindigan nito na politically motivated ang pananambang sa kanya. Maraming naniniwala na ang mayor ay ginagamit lamang umano ni Quezon Governor Danilo Suarez­ upang sirain ang mga katunggali nito sa pulitika. Sina Escueta at Ruanto umano ay kapartido at taga­pagtaguyod ng kalaban ni Suarez. Dahil sa hakbang ni America, posibleng mabalewala ang pagod ng SITG.

* * *

Humakot ng parangal ang Youth for Truth (YFT) ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa katatapos na Gandingan Awards 20-22 sa UPLB. Kabilang sa mga nagwagi si YFT convenor and host PCOO Assistant Secretary Vinci Beltran para sa Gandingan ng Kababaihan. Itinanghal din si Beltran bilang Gandingan ng Kabataan kasama ang co-hosts ng programa na sina Alleine Namuco at Bea Bailon.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with