^

PSN Opinyon

Ang katotohanan sa estate tax vs. Marcos

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nagsalita na si Presidente Duterte at kinuwestiyon kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nasisingil ng BIR ang kontrobersiyal na P23 bilyong estate tax. Sinasabi sa  ibang balita na ito ay P203 bilyon. Hindi bumanggit ng pangalan ang presidente pero alam na natin ang perso­nalidad na sangkot dito.

Bakit iginigiit ni Bongbong Marcos na “pamumulitika” ang dambuhalang halagang estate tax na hindi umano binayaran ng kanyang pamilya? Sinabi ng BIR na nagpa­dala ito ng demand letter sa mga Marcos noong Disyembre 2021 ukol sa kanilang ‘di nababayarang estate tax. Ano ba ang tax na ito?

Anang mga legal experts ito ay ang binabayarang buwis­ kapag inilipat ang ari-arian ng isang namatay sa mga kaanak. Sinabi ni Marcos, Jr. wala pang pinal na desisyon ang hukuman kung dapat silang magbayad ng buwis na ito. Pinasinungalingan naman ito ng Korte.

Dugtong pa ng mga Marcos na kung sinisingil man sila ng ganyan kalaking buwis, nangangahulugan na hindi ill-gotten ang kanilang yaman. Pero sa umiiral na tax law, ayon sa mga abogado, ang kayamanan, nakuha man sa legal o illegal na paraan ay dapat bayaran ng tax. Pagka­matay ni President Marcos noong 1989, bumuo ng Special Tax Audit Team. Lumalabas na hindi nagharap ng written notice ang mga Marcos sa kamatayan ng kanilang ama.

Noong Hulyo 1991 nagpadala sa mga Marcos ang BIR ng Deficiency Estate Tax Assessment na aabot sa mahigit na ?23 bilyon, bukod pa sa income tax na hindi binayaran ng mag-asawang Marcos at ng anak na si BongBong. Nilalaman nito ang naturang mga assessment (estate and income tax) ng Commissioner ng BIR noong Agosto 26, 1991 at Setyembre 12, 1991.

Anang korte, dapat ay nagsumite ng protesta ang mga Marcos sa loob ng 30 araw matapos mai-serve ang assessment na hindi nila ginawa. Kinatigan din ng Mataas na Hukuman ang Court of Appeals nang iakyat ni Marcos Jr, ang kaso at sinabing pinagkaitan siya ng due process. Anang Korte, walang denial of due process na naganap.

vuukle comment

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with