^

PSN Opinyon

‘Laglag panty’ kay Baste

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Hiyawan, tilian, sigawan at marami ang ­“laglag panty” kay Sebastian ‘Baste’ Duterte, ang 34-anyos na  bunsong anak ni President Duterte, nang sa unang pagkakataon ay dumalo sa rally ng UniTeam ticket sa Koronadal at ibang areas ng South Cotabato noong nagdaang weekend.

Si Baste ang humalili sa kanyang kapatid na si Sara Duterte-Carpio, na tumatakbong vice president at ka-tandem ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa rallies sa South Cotabato dahil may ibang rally itong pinuntahan.

Naging kuwela ang speech ni Baste sa nasabing mga rally dahil nagmistula siyang “rock star” na ayaw paawat ang libu-libong dumalo sa pagsigaw ng “Baste” kahit malakas ang ulan. Lumabas ang pagka-mestiso ni Baste na nakuha niya sa kanyang mama na si Elizebeth Zimmerman na may dugong German. Kulang na nga lang kumanta ng “We will rock you” ng Queen ang mga tao upang sabayan si Baste sa buhos nang malakas na ulan.

Tumatakbong mayor ng Davao City si Baste dahil ang ate niyang si Sara ay piniling tumakbong vice president sa halalan sa darating na Mayo 9.

Si Baste ay kasalukuyang vice mayor ng Davao City.

Sa pagtakbo ni Baste sa pagka-mayor ng siyudad, mayroon siyang katunggali – si former 3rd district Rep. Ruy Lopez.

Malalaman ngayong darating na May 9 kung ano ang kapalaran ni Baste sa halalan na ito.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with