^

PSN Opinyon

Botante bumabaling na kay Leni Robredo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nang magdaos nang malaking rally si Presidential bet at Vice President Robredo, ang akusasyon ni Boying Re­mulla ay pinasok daw ng mga komunista ito. Kasi naman­, ang 50,000 sa sinasabi niyang 80,000 supporters ni Bongbong Marcos ay dumalo sa rally ni Robredo.

Anang mga kilala kong taga-Cavite, tila inaakusahan ni Remulla ang mga kapwa niya Caviteño na mga komunistang bayaran. Ayon sa mga nakakausap ko, duma­rami­ ang mga local leaders na nag-eendorso kay Robredo­. Kasama rito sina Cavite 4th District Representative Elpidio “Pidi” Barzaga, pangulo ng National Unity Party (NUP), at ng asawa niyang si Dasmarin?as City Mayor Jenny Barzaga.

Sa Imus, si 3rd District Rep. Alex Advincula na tuma­takbong mayor ay sumuporta na rin kay Robredo. Ma­tindi­ ang laban sa Cavite. May Barzaga at Advincula sa isang panig, at mga Remulla naman sa kabila. Galit ang kampo ni Robredo sa akusasyon at sinabing kusang dumalo ang mga tao sa rally at nagkanya-kanyang ambag para maipakita ang kanilang suporta sa Leni-Kiko tandem.

Sa Mindanao, umarangkada rin ang kandidatura ni Robredo. Noong nakaraang linggo, higanteng mga people’s­ rally din ang naganap sa Davao region. Nagpahayag ng suporta kay Robredo ang mga taga-Davao. Kamakailan­, inanunsyo ni Misamis Oriental 2nd District Rep. Juliette Uy at ng kanyang buong Team Unity tiket na sila ay para kay Robredo.

Pati ang anak ni Uy na si Villanueva Mayor Jennie Mendez ay nagsabi na nakakatulong sa marami nating kababayan ang mga proyekto ni Robredo, kabilang na dito ang pagtutok sa edukasyon, ang mabilis na pagres­ponde sa COVID-19 pandemic, ang mga programa ng Angat Buhay at pagsuporta sa mga kababaihan at maliliit na negosyo o ang tinatawag na MSMEs.

Ayon naman kay reelectionist Misamis Oriental Vice Governor Joey Pelaez, prinsipyo ang pinairal ng Team Unity sa kanilang pag-endorso kay Robredo. Para kay Pelaez, kailangan aniyang pag-aralan ng mga Pilipino ang ating kasaysayan para malalaman nila kung gaano kalupit ang martial law.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with