^

PSN Opinyon

Sa hukuman ang totoong labanan!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nakasampa na ang mga kasong physical injury, grave threat at Violation of BP 881 o paglabag sa Omnibus Election Code of the Philippines laban kay Kurt Matthew Teves.

Sa pangunguna ng Las Piñas City Police, naisampa ang mga kaso noong Marso 30, 2022 sa Office of the Prosecutor ng nasabing siyudad. Kahit nakasampa na ang kaso, tututok ang BITAG hanggang sa matapos ito. Mana­natili sa aming protective custody ang security guard na si Jomar Pajares.

Marami ang nakatingin sa kasong ito. Dito makikita kung hanggang saan ang kapangyarihan ng may posisyon, tulad nitong mapang-abusong anak ng isang kilalang pulitiko.

May mga tumutuligsa at nagsasabi rin na ang programa ng BITAG, hanggang telebisyon lang ‘yan pagdating sa hukuman, iiwanan na ‘yan.  Diyan kayo nagkakamali.

May isa pa riyan, wannabe-lawyer, bulaang abogado as in bumubula ang bibig at nagmamagaling. Trying to analyze itong isyu pero ang kanyang naging concentration ay ang ginawa ng aking programa at mga sinabi ko.

Ang turo nitong cheap-pipay na abogado na ang hilig ay mag-social media, huwag daw pumunta sa mga programang public service na kapareho ng BITAG. Magtiwala raw sa justice system natin at sa due process,

Totoo naman, subalit ang pinag-uusapan ay kapag mahirap sa mahirap ang laban, pantay ang labanan. Kapag­ mayaman sa mayaman ang magkatunggali, pantay rin ang labanan.

Kapag mayaman laban sa mahirap o mahirap laban sa mayaman— itaga mo sa bato, liyamado at kadalasan ang nanalo ay — mayaman!

Itong kaso ni jomar, hindi ito trial by publicity. Galit ka lang sa mga TULFO, yan ang tagong mensahe ng mga vlog mo sa social media.

Isang word lang ang ginamit sa’yo, hanggang ngayon — hurt hurt hurt ka pa rin! Cheap-pipay!

O, para naman doon sa mga mahihilig magkakyawkyaw diyan na gusto akong sumabak para makipag-rambullan sa ring.

Sa mga ngawngawerong “wannabe-lawyer” sa Youtube na wala raw kami magagawa at kami ay puro palabas lang…

Gusto n’yo ng totoong laban? Ang salpukan hindi mangyayari sa ring katulad ng gusto n’yo! Ang totoong pagtutuos magaganap sa hukuman!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with