^

PSN Opinyon

Labanang David at Goliath ‘to!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Patuloy ang pagtutok ng BITAG sa sitwasyon at kaso ni Jomar Pajares. Maraming gustong sumubok na ilihis ang isyu, kalimutan ang sinapit ng pobreng security guard at gawing personal sa pagitan ko at ni Negros Oriental Congressman Arnie Teves.

Ang hindi nakikita ng mga kolokoy na ‘to, dumanas nang matinding trauma at takot ang biktima matapos ang pang-aabusong ginawa sa kanya ni Kurt Matthew Teves.

Habang ang mga totoong nakikisimpatiya, nakaabang sa progreso ng kasong ito bawat araw. Marami ang nag-aabang kung ito ba ay totohanan o baka isang palabas lang para sa BITAG.

May mga iba rin na sumasawsaw lang sa isyu, matatawag na wannabe-lawyers na kunwari at nagtuturo o trying to analyze a case hindi pa man naisasampa ang kaso. Imbes na sa mga karapatan ng biktima o mga kasong puwedeng kaharapin ng respondent, ‘yung estilo ko ang pinupuna.

Nagmumukha tuloy na cheap-pipay na abogado dahil ang kanyang konsentrasyon, huwag daw pumunta sa mga programa na kapareho ng public service ng BITAG.

Kami sa BITAG, hindi nagsasawang magpaalala sa publiko na magtiwala tayo sa sinasabing due process at sa batas natin. Pero ang katotohanan, kung titingnan natin­, minsan hindi ito ganoon kadali sabihin. I’ll be more realistic­ tulad ng sinasabi ng iba, sa totoo lang mauuwi ‘yan sa korte.

At kung pumasok man ito sa mga programang tulad ng BITAG, hindi ito trial by publicity. Pumasok sa amin ang kaso, kaya dinepensahan namin, pinangangatawanan namin ang pagiging tagapagtanggol, tagatabla ng mga inabuso ng may kapangyarihan.

Kaya naman, hindi biro at pipitsuging law firm ang ha­ha­wak ng kaso ng sekyu. Sa statement na ipinadala ng Esguerra and Blanco Law Offices sa BITAG, “BLES Law firmly believes that any act of violence or oppression against marginalized laborers and frontliners by persons from public office should not be tolerated and should be duly investigated.”

Umpisa hanggang sa matapos, tatayo ang BITAG. Dito natin makikita kung hanggang saan ang the power of the pulitiko, tulad nitong mapang-abuso na anak ng isang kilalang pulitiko.

Dito makikita natin ang labanan ng David at Goliath. Paano ba namatay si Goliath? Tandaan n’yo, slingshot lang ni David.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with