^

PSN Opinyon

Sakit sa taynga (Part 1)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Natanggap si Eliseo na 3rd Engineer ng barkong pag-aari ng OPM Crew Management Inc. sa ilalim ng kontratang tatlong buwan. Pero dalawang buwan pa lang siya sa trabaho, nagreklamo na si Eliseo tungkol sa pag-ugong sa kanyang taynga, madalas na pagkahilo at palaging umiikot ang paningin. Dinala siya sa isang ospital kung saan nalaman na mayroon siyang sakit sa taynga (Ear-Vertigo and Vestibular Disorder-Stress Related).

Pagkatapos ng tatlong buwan, isang doktor ng kompanya, si Dr. Rudy Ramos ang sumuri kay Eliseo at nag­labas ng medical report tungkol sa sakit daw nito na “Vesti­bular Neuronitis”. Nirekomenda ng doktor ang Grade 10 disability rating. Pagkalipas pa ng dalawang buwan, isang ulat na naman ang ginawa nito. Ang sakit daw ni Eliseo ay Meniere’s disease at permanente na ang sakit nito kaya hindi na puwedeng magtrabaho sa dagat.

Kaya ang ginawa ni Eliseo ay nagsampa ng kaso sa Labor Arbiter para makakuha ng benepisyo, danyos, gastos sa abogado at pambayad sa lahat ng kanyang sagutin sa ospital dahil ayaw siyang bayaran ng OPM Maritime. Si Capt. David ang kinatawan ng OPM Maritime sa kanilang position paper at dahil din sa isang ulat ni Dr. Ramos na nagsasaad na walang kinalaman sa trabaho (not work-related) ang sakit ni Eliseo at hindi ito lumala dahil sa kanyang pagtatrabaho.

Sa kabilang banda, sa ulat na galing sa isang Dr. Vicente­ ang ginamit nitong ebidensiya. Saad nito: (1) hindi na siya maaaring magtrabaho bilang seaman; (2) ang sakit niya ay lumala dahil sa kanyang pagtatrabaho; (3) kailangan na niyang gumamit ng hearing aids para sa magkabilang taynga para lang siya makarinig na mabuti at para mabawasan ang tumitinding vertigo; (4) hindi na siya inaasahan na makakakuha ng ibang trabaho dahil sa kanyang medical background. Ang madalas daw nitong pagtatrabaho sa loob ng engine room sa mga barko ng OPM Maritime at ang pagbabad nito sa maingay at naka­bibinging tunog pati ang mapanganib na kemikal ang naging dahilan ng problema sa taynga ayon sa medical report.

(Itutuloy)

vuukle comment

OPM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with