^

PSN Opinyon

Pagpapadala ng OFW sa Yukon, Canada kasado na!

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Mula pa noong 2019 sinimulan ang negosasyon ng mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Yukon sa Canada para sa pagpapadala roon ng mga overseas Filipino worker na maaaring natagalan at naantala dahil sa pandemya.

Pero ngayon ay tiyak na magkakaroon na ng oportunidad ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibayong-dagat makaraang lagdaan noong Marso 18 nina Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III at Yukon Minister for Economic Development Ranj Pillai ang Memorandum of Understanding (MOU) para makapagtrabaho at mapangalagaan ang mga manggagawang Pilipino sa ilalim ng Yukon Nominee Program. Ang MOU ay alinsunod sa Joint Communique na nilagdaan ng dalawang opisyal sa Yukon noong Agosto 2019.

Sa pamamagitan ng internet, nilagdaan ni Minister Pilai ang kasunduan sa tanggapan ng Philippine Consulate General sa Vancover, Canada habang si Secretary Bello ay isinagawa ang pagpirma sa tanggapan ng Philippine Consulate General sa New York sa United States. Kasama sa kasunduan ang mga kaukulang proteksyon sa mga kapakanan at karapatan ng mga OFW.

Sinabi ng DOLE na hahawakan ng Philippine Overseas Employment Administration at ng Department of Economic Development ng Yukon ang pagpapatupad ng memorandum.

Ipinagbabawal ng program sa mga employer na singilin ang mga nominees para sa gastusin sa recruiting o retaining ng nominees. Kailangan ding bigyan ng libreng health insurance at kompensasyon ang manggagawa. Obligado ang mga employer na tiyaking merong matitirhan ang mga OFW habang nagtatrabaho sa Yukon. Inaasahan naman sa mga makukuhang manggagawa na matagal silang magtatrabaho roon.

Sinabi ng DOLE na sisimulan na nitong salain ang mga kuwalipikadong aplikanteng Pilipino kapag naaprubahan na ang implementing guidelines. Binabanggit pa ng tanggapan na sa kasalukuyan ay merong 5,000 Pilipino sa Yukon na karamihan ay mga permanent resident na o Canadian citizen.

Hindi pa malinaw kung anong mga trabaho ang maaaring pasukan ng mga Pilipino sa Yukon. Noong taong 2019, ipinahayag ng DOLE na bubuksan ng Yukon ang 2,000 trabaho bawat taon para sa mga skilled worker na Pilipino sa iba’t ibang industrial base roon.

Sinasabing aabot rin ang suweldo mula P80,000 hanggang P300,000 at karamihan sa mga bakanteng posisyon na bubuksan sa mga Pilipinong skilled worker ay heavy equipment operator, nurse, cook, chef, engineer, caregiver, call center agent at iba pang lokal na oportunidad sa trabaho.

Ang mga interesadong aplikante ay dapat na fluent sa English, mayroong naaayon na job degree at pagsasanay, at physically at mentally fit.

“Mas gusto ng mga Canadian ang mga Pilipinong manggagawa dahil sa kalidad ng trabaho at sipag nating mga Pinoy. Mahalaga rin sa kanila ang family bond kaya naman hinihikayat nila ang mga manggagawa na isama ang kani-kanilang mga pamilya sa Canada at tutulungan silang makapasok sa nasabing bansa,” wika ni Bello.

Wala pang mga detalye kung saan o paano mag-aaplay na malamang kabilang sa aayusin ng pamahalaan pero ang mga interesado ay maaaring magtanong sa DOLE o POEA o maaaring pana-panahong silipin ang website nito kung meron nang bukas na trabaho sa Yukon.

Mahalaga ring paalala na makakatulong din bilang paghahanda ang pananaliksik hinggil sa pamumuhay, kultura, mga sistemang panlipunan, mga kaukulang batas at pagtatrabaho sa Yukon. Umiwas at mag-ingat laban sa mga illegal recruiter at human trafficker. Tiyaking lehitimo ang papasuking trabaho.  Makipagtransaksyon lang sa mga recruitment agency na kinikilala ng POEA.

Inaasahang tutugunin sa kasunduan ang ilang usapin tulad ng pagsasaayos kung paano makakapasok ang mga manggagawang Pilipino sa mga bakanteng trabaho sa Yukon sa ilalim ng Yukon Nominee Program; pagsasaayos ng sistema sa recruitment; proteksyon at pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino na matatanggap sa trabaho sa Yukon; at public information campaign para sa Yukon Nominee Program.  Sa nominee program, pinahihintulutan ang mga Yukon employer na kumuha ng mga dayuhang manggagawa para sa mga posisyong hindi mapunuan ng kanilang lokalidad.

Pinapayuhan ng POEA ang publiko na iberipika muna sa ahensiyang ito ang anumang napapaulat na job vacancies at isumbong sa POEA Illegal Recruitment Branch sa 722-11-92 o sa POEA hotline numbers 722-11-44 at 722-11-55 ang anumang kahina-hinalang recruitment activities na ginagawa ng personal o sa pamamagitan ng paggamit ng social media platform.

***

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with