^

PSN Opinyon

Cong. Arnie Teves, tanggapin mo ang aking hamon!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ARNIE, may pagka-kenkoy ka. Balita ko hinahamon mo raw ako sa Facebook page mo? Sigurado ka ba o nagpa­patawa ka lang? 

‘Yung butangerong anak mo, nag-resign na, humingi ng paumanhin at umamin. Hindi ba’t hinamon mo ako sa live program ko na sampahan na lang ng kaso ang anak mo?

Ang aking simpleng tanong noon, anak mo ba ang nam­bugbog sa pobreng guwardiya? Nagsinungaling ka.

Usapang ama sa ama noong ininterview kita. Tinanong kita kung anong gagawin mo bilang ama. Sagot mo ay mag­sampa na lang ng kaso.

Patungkol diyan sa License to Own and Possess a Firearm (LTOPF), tsinek namin ‘yan sa Camp Crame. Mis­mong Philippine National Police – Firearms and Explosives, Enforcement Management Chief ang nagsabing walang LTOPF ang anak mo. Bakit hindi PNP – FEO ang hamunin mo?

Sa FB live mo nung isang gabi, hinahamon mo akong mag-resign sa trabaho, tsk tsk tsk. Eh di pinatunayan mong may baril nga anak mo dahil may LTOPF siya. Napakababaw ng lohika mo o baka wala ka lang sa sarili?

Tingnan mo tuloy sa mismong FB page mo, bina-bash ka ng mga followers at constituents mo.

Lamang, hinamon mo ako, hahamunin din kita ngayon at tanggapin mo. ‘Yung guwardiyang biktima, nasa tabi ko. Ikaw naman, ‘yung anak mong si Kurt nasa tabi mo.

Sa harap ng media, sabay nating ipa-polygraph test ang anak mo at ang guwardiya. Kung talaga bang tinutukan ng baril ng anak mong si Kurt ang pobreng guwardiya. Mismong mga bodyguards ng anak mo, nabahala nang bumunot ng baril sa baywang si Kurt. Ipinatago ang baril dahil baka may makakita.

Pangalawang hamon, ipa-drug test natin ang anak mong si Kurt at ang guwardiyang si Jomar. Ikaw at ako, magpa-drug test din. ‘Yung specialized drug test, hindi sa ihi, para magkaalaman.

Kaya sa susunod, pag naghamon ka Congressman, mag-isip isip ka muna. Hindi ako marunong umatras. Walang duwag sa mga Tulfo kung katotohanan ang pag-uusapan.

vuukle comment

ARNIE TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with