^

PSN Opinyon

Ilegal na droga sa Infanta

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Chinese national at 10 iba pa na sakay ng tatlong SUV at may dalang 1.5 toneladang shabu sa Infanta, Quezon noong Martes. Nahuli ang mga suspek sa isang checkpoint sa Bgy. Comon. Ang shabu ay naka­silid sa 600 Chinese teabag at may street value na P12 bilyon.

Ayon kay NBI director Eric Distor, malaking sindikato ang nasa likod ng shabu heist dahil high-tech ang mga gadgets na nakumpiska nila sa mga suspek. Ayon kay Distor, ang shabu ay idinadaan sa karagatan na may mga kakutsabang mga mangingisda para maiahon ang mga inihagis na shabu sa karagatan sa Polillio Island.

Dahil sa pangyayaring ito pinangangambahan ng mga awtoridad na ang Infanta ay posibleng maging crime capital ng Southern Luzon.

Tutulug-tulog ba ang PNP, Gen. Dionardo Carlos? Kung nakalusot ang 1.5 toneladang shabu, tiyak na maraming Pinoy ang masisira ang kinabukasan. Siguradong lalaganap ang krimen hindi lamang sa Infanta, kundi sa buong Luzon.

Ayon naman kay Major Francis Aldrich D. Garcia ng Infanta Municipal Police Station (MPS), may natanggap silang tip na may isang Nissan van may lulan ng mga ipi­nag­babawal na droga.

Dapat ang unang hulihin ng PNP ay ang mga mangi­ngisda na binayaran ng sindikato. May mga report na ibinili pa umano ng drug syndicate ng mga bangka ang mga mangingisda para gamitin sa pagsagip ng mga inihagis na droga sa karagatan. Kung hindi madadakma ang mga mangingisda, patuloy na makalulusot ang sindikato ng droga at darami ang krimen sa Infanta.

Tulungan natin si Gen. Carlos na malutas ang paglaganap ng droga sa Infanta, Quezon.

vuukle comment

DROGA

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with