^

PSN Opinyon

Finish line

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Noong Marso 10, nag-deadline na para sa mga appoint­ments ng presidente: “Two months immediately before the next presidential elections and up to the end of his term.” Ito mismo ang itinakda ng Saligang Batas.  

Alam nating ibinahagi sa tatlong higanteng kagawaran ang mga kapangyarihan ng gobyerno. Ang pinakama­halaga — ang pagpasa ng batas para sa maayos na pamu­­muhay ng lahat — ay inilagay sa kamay ng Lehislatura. Ang tamang pag-unawa sa batas sakaling may kontrobersya, iniatas sa mga huwes. Ang Executive power ay ang kapang­yarihang pinagkatiwala sa presidente na ipatupad itong mga batas. Sa lipunang sanay sa 3 in 1, madaling maintindihan ang konsepto ng separation of powers. 

Ang Executive power ay puwersang hindi kayang panga­­tawanan ng iisang tao lamang. Noong unang panahon, nang kakaunti ang populasyon, madali lang paan­darin ang isang lipunan na ganito ang istilo. Sa katunayan, noong dekla­rasyon ng ating independence sa Amerika, wala pang 10 ang mga departamento ng pamahalaan. Subalit nang dumami ang tao, hindi na kinaya ng malinggit na burokrasya­ ang pamumuno. Kaya gawa naman nang gawa ng ahensiya ang mga mambabatas. Ngayon nasa mahigit 25 na yata. 

At sino ang magtatao sa mga ahensyang ito? Kung ang kanilang pakay ay ipatupad ang batas, siyempre sasailalim sila sa pangunahing may obligasyon — sa presi­dente. Siya ang pipili. Bahagi ito ng kanyang Executive power. Ayon sa mismong main author ng U.S. Constitution na si James Madison: “if any power whatsoever is in its nature executive, it is the power of appointing, overseeing, and controlling those who execute the laws.” 

Napapag-usapan ang appointing power dahil may mga nangangahas na pangunahan ang presidente sa kung sino dapat ang kanyang italaga sa mga vacancy sa gob­­yerno. Panahon na sigurong alalahanin na dahil sa kumpiyansang ipinagkakatiwala ng presidente sa kanyang mga napipili, hindi puwedeng basta basta istranghero ang kanyang piliin. Sabi nga nila ay pana-panahon. Kung maging ganon man ang dating sa taong bayan, ang presidente na ang mananagot sa kakulangan ng kanyang mga ahente.

vuukle comment

PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with