^

PSN Opinyon

Bagong estilo ng vote-buying: dedepositohan kuno ang ATM

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Namumudmod ang isang presidential candidate ng ATM (automated teller machines) cards ng banko. Nasa pangalan ng botante. Kesyo raw may laman na itong P100. Pero huwag daw ito iwi-withdraw hanggang hindi nadedeklarang panalo ang kandidato; kundi mavo-void ang card. Oras na madeklara, dedepositohan umano ang ATM cards ng tig-P3,000. Samantala, ikampanya raw at iboto ang kandidato.

Maraming napapaniwala ang kandidato. Sinasamantala niya na kapit-patalim ang mga Pilipinong nawalan ng hanapbuhay at negosyo dahil sa pandemya. Sinasakyan niya ang mga mababang pinag-aralan na walang kaalaman sa ATM cards. Inuuto niya ang mga isang kahig-isang tuka na hindi alam kung saan kukunin ang susunod na pangsaing. Napakalupit!

Labag sa batas ang pamimigay ng kandidato ng ATM cards. Ang pamumudmod na ito ay kuwenta pangako ng bayad sa botante. Vote-buying, ika nga. Ang parusa, sa ilalim ng Omnibus Election Code, ay pagtanggal at pagkulong sa kandidato, at habambuhay na diskwalipikado sa posisyon sa gobyerno.

Pulido ang taktika. Hindi basta maikakabit ang kandidato sa pamumudmod ng ATM. Madali niyang ikaka­ila na sa kanya galing ‘yon. Ang importante sa kanya ay mapa­boto niya ang mga tumanggap.

Nagbabala na ang Comelec at Anti-Money Launde­ring Council sa bagong estilo ng vote-buying. Pero uma­asa ang kandidato na hindi tumatalab ang mga pag-aalerto na ‘yon. Sa palagay niya, maisasagawa pa rin ang maitim na balak.

Ito ang masaklap. Pagdeklara sa kandidato bilang presidente, hahangos sa banko ang mga nabigyan ng ATM cards. Saka nila matutuklasan: wala pala itong laman na P3,000. Sila pa ang nanakawan ng manloloko.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ATM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with