^

PSN Opinyon

Bagong Bgy. Valenzuela community complex, bukas na!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Tuluy-tuloy na nga ang panunumbalik ng sigla at mga aktibidad sa Makati. Noong March 10 ay pormal nang binuksan ang bagong-bagong multi-purpose building para sa enjoyment ng ating Proud Makatizens sa Bgy. Valenzuela.

Isa lamang ang Valenzuela Community Complex sa maraming infrastructure projects na itinuturing kong legacy projects ng aking administrasyon. Ang bagong commu­nity complex ay may tatlong palapag. Mayroon itong basketball court, parking lot, comfort rooms, at mga malalaking silid na puwedeng gawing opisina o conference room.

Kung dati, sports complex lamang ang karaniwang itinatayo sa mga barangay, naisipan naming palawakin ang scope nito at dagdagan ang mga bagay na puwedeng gawin ng ating mga residente.

Ang Valenzuela Community Center ay may total floor area na 3,454.41 square meters. Narito ang barangay hall, computer center, daycare center, livelihood center, multi-purpose events area, bantay bayan outpost, fire and res­cue center, water collector system, control room at CCTV room ng komunidad, library hub, basketball court at parking lots sa basement at ground floor.

Munting regalo natin ito sa mga taga-Bgy. Valenzuela dahil sabik na kaming makitang back to normal na ang kanilang mga buhay matapos ang dalawang taong pandemya.

Muli na nating makikita ang mga kabataang naglalaro ng basketball, ang mga nanay at lola na masiglang nagsu-zumba, at kung anu-ano pang kasayahan at pagtitipon sa komunidad. Ang isang malaki at magandang community center ay magiging sentro ng aktibidad at magpapanumbalik sa community spirit sa bawat barangay.

Bukod dito, talaga namang deserve ng bawat Makatizen na magkaroon ng modernong para sa kanilang enjoyment at recreation. Sa mga nagdaang taon ay sinikap naming ibigay ang the best para sa Makati.

Mula sa magagandang gamit ng mga estudyante, kahandaan sa oras ng sakuna o emergency, suporta sa online education sa pamamagitan ng Wi-Fi system, ang hi-tech at ngayo’y hinahangaang Makatizen Card, bagong Makati Life Medical Center, Makati Subway at napakarami pang ibang programa, wala po kaming ibang hinangad kundi ang magbigay ng maganda at maipagmamalaking kalidad ng serbisyo sa inyong lahat.

Sa mga susunod na buwan ay bubuksan pa natin ang mga community complex sa barangay Comembo, Rizal, Palanan, West Rembo, Olympia, at San Antonio para higit na marami ang mag-enjoy at magsaya sa pagbabalik sa normal ng pang araw-araw nating pamumuhay.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with