^

PSN Opinyon

Mga kandidatong ‘basura’ ibasura

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

 

Sa pagkakabit pa lang ng mga campaign materials, makikilala mo na ang mga kandidatong “basura” na dapat ibasura. May mga itinakda nang policy ang Comelec sa pagdidikit ng campaign posters at naglaan na ng mga designated places para dito.

Pero maraming kandidato ang pasaway. Kapag binaklas ang kanilang mga poster, sila pa ang nagrereklamo. Kung mahusay na leader ang isang kandidato, dapat pati ang distribusyon ng kanyang mga campaign mate­rials ay napa­pangasiwaan niyang mabuti.

Moderno na ang panahon ngayon at mayroon nang social media. Dito dapat nakatuon ang campaign stra­tegy ng mga kandidato gaya ng ginagawa ni Rep. Alan Peter Cayetano na tumatakbong muli para sa Senado. Matutuwa ang mga environmentalist kung bawat isang kumakandidato ay ganyan ang gagawin.

Ayaw daw ni Cayetano na makadagdag pa sa lumu­lubhang problema sa basura kaya ang pangangam­panya niya ay on-line. Mas epektibo pa nga ito dahil maliwanag na mahahayag ng kandidato ang kanyang plata­porma.

Kaya pinuri ng Ecowaste Coalition si Cayetano. Ayon kay Jove Benosa, campaign officer ng Zero Waste Coalition si Cayetano ay nagpapahayag ng pagkalinga  sa kalikasan at mahalagang misyon na gawing mas malinis, ligtas, at maayos ang kampanya hanggang sa araw ng halalan.

Nananawagan ang Ecowaste Coalition sa  ibang kandidato na tularan si Cayetano. Ipahayag ang plataporma­ at plano para sa kapaligiran dahil ang Pilipinas ay nasa nanay ng mga apektado ng climate change. Maganda nga naman  kung ang bawat kandidato ay may malinaw na plataporma at kongkretong ambag sa pagsugpo sa lumalalang problema sa polusyon at environmental crisis.

vuukle comment

ECOWASTE COALITION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with