^

PSN Opinyon

God forbid WW3

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Maraming bansa na umano ang nadadamay sa gulo na sinimulan ng Russia sa Ukraine. Milyun-milyong Ukrai­nians ang nagsilikas na sa ibang bansa gaya ng Poland, Germany at iba pang kalapit na bansa sa Europa.

Ang lahat ng giyerang pandaigdig ay nag-umpisa sa maliit. Kapag rumesponde sa gusot ang maraming bansa, ito ay naging World War.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay inihudyat nang patayin ang isang Duke na tagapagmana ng trono ng Austria noong 1914. Ang pagkapatay kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria at sa kabiyak niyang Dukesa ng Hohenberg ang naghudyat sa simula ng digmaan.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sinimulan naman ng pananakop ng German dictator na si Adolf Hitler sa Poland at ibang bansa sa Europa, bagay na nagbunsod­ sa mga allied forces sa Europa at America na rumesponde. Kumalat ang digmaan sa buong mundo.

Kahit malayo ang Pilipinas sa Russia, ang gusot na sini­mulan ni Russian President Vladimir Putin ay mabigat ang dagok sa daigdig. Hindi pa tapos ang COVID-19, heto na naman ang bagong krisis! Dahil sa COVID, dumanas tayo ng paghina ng ekonomiya. Nawala ang maraming trabaho, maraming dinapuan ng sakit at ang ilan ay namatay.

Kahit malayo tayo sa pinangyayarihan ng digmaan, matindi ang economic impact nito. Walang patumangga ang big time price increase sa presyo ng mga produktong petrolyo at pati presyo ng mga paninda ay tumataas din.

Hindi natin nararamdaman ang giyera dahil walang aktuwal na bombahan at putukan sa ating bansa. Pero ito’y nagaganap na sa mga bansang direktang ginigiyera­. Ano ba ang magagawa natin maliban sa manalangin na matapos na ang gulong ito?

vuukle comment

UKRAINE-RUSSIA

WORLD WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with