^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isyu sa paggamit ng PNP chopper

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Isyu sa paggamit ng PNP chopper

Kung hindi bumagsak ang helicopter na susundo sana kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos noong Lunes ng umaga, hindi na mapapansin ang isyung ito. Lalampas ang paggamit ng helicopter ng PNP chief at walang mga alingasngas. Sino pa ba ang kukuwestiyon sa PNP chief na gumamit ng helicopter e talaga namang SOP na puwede itong gamitin ng pinakamataas na opisyal ng pambansang pulisya. Wala nang pipiyok kung ganun ang nangyari.

Pero sinawimpalad na bumagsak ang single engine H125 Airbus helicopter na susundo kay Carlos habang patungo sa Balesin Island sa Quezon, isang luxury resort. Habang nasa himpapawid ng Real, Quezon, nakasagupa nang malakas na hangin ang helicopter at nawala sa kontrol ang piloto. Bumagsak sa kabundukan na ikinamatay ng isang pulis na nakilalang si Pat. Allen Noel Ona. Ang dalawang police pilot ay himalang nakaligtas at nasa ospital sa kasalukuyan.

Inamin naman ni Carlos, nasa Balesin siya noong Linggo at nag-spent ng ‘‘’private time’’ roon. Nag-reserba umano siya ng pribadong transportasyon para makabalik sa Metro Manila kinabukasan pero sinabihan umano siya na Lunes pa ng gabi magiging­ available ang sasakyan. Iyon ang dahilan kaya na­ki­pag-arranged siya na sunduin ng police helicopter. Kailangan umano siyang makarating sa Camp Crame para magampanan ang kanyang tungkulin.

Ipinagtanggol naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Carlos at sinabing entitled ito sa prebelihiyo na masundo ng police helicopter para makabalik sa kanyang trabaho.

Sinabi naman ni presidential aspirant Senator Panfilo Lacson na dapat magpaliwanag si Carlos sa nangyari. Dapat umanong malaman ng taumbayan kung opisyal ba o personal ang lakad niya sa resort at bakit kailangang sunduin siya ng helicopter. Kung personal daw ‘yun, medyo may problema. Dapat daw na ma-clarify ng PNP ang isyu.

Dapat maging malinaw ang paggamit ng government vehicle para hindi nalulublob sa kontrober­siya ang sinumang opisyal. Marami ngayong taong gobyerno na ang mga sasakyan ng pamahalaan ay ginagamit sa pagsundo ng anak sa school, sa paggo-grocery, pagpunta sa mga aliwang panggabi at iba pa.

vuukle comment

HELICOPTER

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with