^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itigil ang e-sabong, hanapin mga nawawalang sabungeros

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itigil ang e-sabong, hanapin mga nawawalang sabungeros

Balak ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na sus­pendihin ang e-sabong dahil sa mga hindi ma­gandang nangyayari sa mga nalululong sa sugal na ito. Lumalala ang epekto ng online sabong at masama ang kinahahantungan. May gumagawa ng masama para matustusan ang pagkahumaling sa sugal.

Ayon kay Senador Bato, chairman ng Senate Committee on Public Order, balak niyang irekomenda na itigil muna ang online sabong hangga’t hindi nagkakaroon ng solusyon ang mga problema. Naalarma umano siya sapagkat sinisira ng e-sabong ang buhay ng ilang gumon sa sugal. Bukod dito, banta rin sa kaayusan at katahimikan ang e-sabong.

Nakaalarma rin kay Bato ang pagkawala ng 30 sabungeros na hanggang ngayon ay hindi pa naki­kita. Nagsimula ang pagkawala ng mga sabungeros noong nakaraang Disyembre sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at karatig probinsiya. Nakunan ng CCTV ang mga sasakyang pumasok sa mga sabungan sa Metro Manila at nang lumabas ay hinihinalang nakasakay na ang mga sabungeros. Ayon pa sa senador, malaki ang hinala niya na may mga corrupt na pulis na kasangkot sa pagkawala ng mga sabungeros. Ang style umano ng pagkawala ng mga sabungeros ay katulad sa modus na ginagawa ng mga masa­samang pulis at military. Sinabi ni Dela Rosa na mag­papatawag siya ng Senate inquiry ukol sa kontrobersiyal na isyung ito sa e-sabong.

Ngayong araw na ito ang itinakdang Senate inquiry ukol sa e-sabong at sa mga nawawalang sa­bu­ngeros. Kabilang umano sa mga ipatatawag ni Dela Rosa ang mga opisyal ng Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), partikular ang regional directors ng lugar kung saan ay nawala o dinukot ang mga sabungeros.

Noon pang Disyembre nawala ang mga sabungeros at hanggang ngayon, hindi pa sila natatagpuan. Ayon sa kaanak ng nawala, wala silang maaasahan sa PNP. Walang maibigay na tulong kung paano matatagpuan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Bilisan ang pag-iimbestiga sa mga nawawalang sabungeros at utusan ang PNP na hanapin ang mga ito. Itigil naman ang e-sabong na maraming sinisi­rang kinabukasan.

vuukle comment

CCTV

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with