^

PSN Opinyon

Pangakong Makati Life Medical Center, matutupad na!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Noong Miyerkules, Pebrero 16, isang napakahalagang proyekto ng Makati ang naisakatuparan. Pumirma ng kasunduan ang pamahalaang lungsod, Life Nurture Inc (LNI), Development Bank of the Philippines (DBP), Land Bank of the Philippines, at Union Bank of the Philippines para sa pagtatayo ng ikalawang Ospital ng Makati, na tatawaging Makati Life Medical Center.

Ang contract signing ay para sa pagbibigay ng P5 bilyong syndicated loan para sa proyekto, na pinaka­malaking Public-Private Partnership (PPP) Hospital sa bansa sa kasalukuyan.

Bakit importante sa akin ang proyektong ito? Una, matagal nang naipangako at ilang beses na ring naantala ang plano para sa ikalawang public hospital dito sa Makati. Bagama’t maganda ang pagtanggap ng mga Makatizen sa Ospital ng Makati dahil sa mataas na kalidad ng serbisyong handog nito, kadalasa’y napupuno ito dahil nag-iisa siyang public hospital sa lungsod.

Ang pagkakaroon ng isa pang ospital na mas advanced ang mga pasilidad at serbisyo at mas malaki ang kapasidad ay isang magandang regalo hindi lamang sa mga residente kundi pati na rin sa mga indibiduwal na nagtatrabaho sa Makati.

Ang lokasyon ng Makati Life Medical Center sa Malugay Street ay sakto para sa mga residente at ­empleyado sa Makati. Mayroon itong 360-bed capacity at mahigit 190 doctor’s clinics para sa pagsusuri, panggagamot, at pag-aalaga ng kalusugan ng ating mga Makatizen at iba pang pasyente.

Nakatakdang buksan sa darating na Hulyo ang 24/7 primary at urgent care facility ng malaki at state-of-the-art na Makati Life hospital. Sa pagtatapos naman ng taong ito, bubuksan ang unang 100 beds para sa mga pasyente.

Sa unang anim na buwan naman ng 2023 ang target na pagbubukas ng Cardiac Center at karagdagang 200-bed capacity. Pagpasok ng 2024 ay fully-operational na ang ospital at bukas na rin ang cancer at wellness centers para sa lahat.

Ang Yellow Card ng Makati ay maaaring gamitin din sa Makati Life Medical para sa konsultasyon, medical procedures at confinement. Dinagdagan lamang po ng pamahalaang lungsod ang ospital na maglilingkod at mag-aaruga sa mga Makatizen na may karamdaman.

Pangarap po namin na higit na pagandahin at paghusayin ang serbisyo at pasilidad ng Makati Life Center para ito ay ma certify bilang isang Level 2 hospital at maging kahanay ng Makati Medical Center at St. Luke’s Bonifacio Global City sa kalidad ng healthcare services nito.

Sa ating pakikipagtulungan sa pribadong sektor, maisasakatuparan na sa wakas ang minimithi nating primera klaseng health care na abot-kamay at abot-kaya ng lahat, maging ng mga ordinaryong mamamayan at manggagawa ng lungsod. Sa pagbubukas ng Makati Life Medical Center, mas giginhawa at gaganda ang buhay nating lahat!

vuukle comment

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with