^

PSN Opinyon

Kundi pa binulabog, di kayo magbabayad!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Tila naingayan na sa bunganga ko ang Universal Leaf Philippines Inc. Ito ang kompanyang inireklamo dahil sa hindi pagbabayad sa mga magsasaka ng tabako sa Isabela.

Sa wakas, noong Miyerkules ng hapon, hinarap na nila ang mga magsasakang nagrereklamo at sinagot ang mga hinaing ng mga ito.

Matatandaan na ang reklamo ng mga magsasakang lumapit sa BITAG, apat na buwang pinaalagaan sa kanila ang mga pinatanim na tabako. Wala raw silang anumang bayad na natanggap mula sa kompanya. Kahit ang ipinangakong P30,000 allowance kada ektarya, hindi sila binayaran.

Pinagtaguan at hindi kinakausap ng kompanya ang mga magsasaka. Eto naman din kasing presidente ng tobacco growers kung saan ang Universal Leaf daw ang nagtalaga, pinipigilang magreklamo ang kanyang mga kasamahan.

Dahil sa hirap at kalam na ng sikmura, lumapit na sila sa BITAG.

Katwiran ng Universal Leaf sa BITAG sa pamamagitan ng kanilang assistant manager na nakausap namin sa ere – unprofitable raw ang mga inaning tabako.

Sinisi pa ang mga magsasaka na hindi naintindihan ang kanilang pinirmahan na patakaran umano ng kompanya. Hindi ko maisip kung saan kumukuha ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura na lokohin, abusuhin at gantsuhin ang daan-daang pobreng magsasaka.

Ang puso ko ay nasa mga magsasaka lalo na’t agrikultura ang una kong kinuhang kurso sa kolehiyo sa kagustuhan ng aking namayapang ama. Kaya inaraw-araw ko sa aking programang BITAG Live at Pambansang Sumbungan ang pambubulabog sa Universal Leaf para harapin ang kanilang pananagutan sa mga nagrerek­lamong magsasaka.

Ang resulta, babayaran na raw nila ang mga magsasaka para hindi na lumaki ang gulo pa. Humihingi raw ang Universal Leaf ng isa hanggang dalawang lingo para maibigay ang mga kabayaran.

Ang munisipyo ng Angadanan, Isabela ang mag-aayos ng mga pangalan ng mga magsasaka na dapat mabayaran ng inirereklamong kompanya.

Puwede naman palang bayaran at harapin ang pananagutan n’yo, kailangan pa kayong bulabugin lahat diyan sa Isabela. Salamat sa Diyos at nagising na ang mga tutulog-tulog diyan sa pansitan!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with