^

PSN Opinyon

Ingat pa rin

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sa tindi ng pagkampanya, parang nalimutan nang may pandemyang pinagdaraanan. Malinaw sa mga tinatanghal na pamiting at motorcade ng pangunahing kandidato na hindi na ininda ng tagasuporta ang anumang social distancing at health protocol na karaniwang inoobserbahan para sa kaligtasan ng lahat. Mga nagsisiksikan sa loob ng venue at nagkakalimutan ng mask. Mag-alcohol o hand sanitizer ka eh baka pagtawanan ka pa.

Sabi ng ilang tagamasid, ang kampanya ay super spreader event. Kung kaya kahit tila pababa na ang bilang ng impeksyon mula sa kasagsagan ng Omicron, na siya ring nagbunsod ng panibagong sigla sa iskedyul ng kampanya, hindi malayong mangyari na mapako ang istatistika natin at wala nang maidagdag pang bulusok pababa.

Nang naswertehan nating umabot sa milyon ang bakuna kada araw, naalala ko pa na kung naipagpatuloy lang natin ang paspas, sana ay itong Enero ay abot na natin ang 70% na “herd immunity”. Ang kaso ay hindi napangatawanan ng gobyerno ang ganung bilis. Sa kasalukuyang tumal ng bakuna, pinakamaaga na tayong aabot sa 70% ay sa Mayo na!

Marami rin sa atin ang tumigil na sa kakaantay ng tinatayang “herd immunity”. Paano nga naman ito aasahan pa kung sa karanasan natin, maging ang bakunado ay tinatamaan pa rin ng sakit?

Hindi natin masisi ang lipunan kung ito’y tila napaso na. Marami sa atin ang nabiktima na ng COVID, ang ilan nag round 2 pa nga kahit may bakuna pa. Subalit hindi maaring pabulaanan ang istatistika na ang proteksyon pa rin laban sa malalang sakit o kamatayan ay ang mabigyan ng bakuna. Kung kaya hindi natin dapat ito binabalewala.

Kung meron tayong lalong dapat pag-ingatan, ito ay ang pag-obserba sa basic health protocols kahit pa naan­dun tayo sa mga campaign events. Hindi natin mapigilan sumuporta sa ating napupusuan. Or nais lang natin pangatawanan ang obligasyon natin bilang mamamayan. Maari naman itong gawin sa maingat na pamamaraan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with