^

PSN Opinyon

Mahiya naman kayo, mga magsasaka niloko n’yo!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

LAST week, higit 100 magsasaka ng tabako mula Isabela ang nagreklamo sa BITAG. Ngayon, umabot na sa 300 ang mga nagrereklamo.

Sumbong nila sa BITAG, hindi sila binayaran ng Universal Leaf Philippines Inc. matapos anihin ang mga tabako na pinatanim at pinaalagaan ng apat na buwan sa mga pobreng magsasaka. Ang pangako raw sa mga magsasaka ng Universal Leaf, P30,000 allowance kada ektarya ang ibabayad matapos anihin at ibenta ang mga tabako. 

Ang siste, sagot ng assistant manager ng Universal Leaf sa BITAG, “unprofitable” o hindi mapapakinabangan ang mga tabako. Patakaran daw ito ng kompanya kaya hindi binayaran ang mga magsasaka. 

Inani n’yo pero unprofitable? Sinong niloko niyo Universal Leaf ? Kung hindi mapapakinabangan ay bakit n’yo inani?  Ibinaon n’yo na lang sa lupa o hinayaan sa mga magsasaka at baka sakaling naibenta pa nila.

Kayo diyan sa Universal Leaf, nangako ang inyong project manager na makikipag-usap sa BITAG upang masagot ang reklamo. Pero sa oras ng interview, umatras at ipinasa kami sa inyong abogado. Ang abogado, ipinasa kami sa project manager dahil wala raw siyang alam sa problema.

Simula Biyernes, nag-email at ilang beses na kaming tumawag sa kompanya. Pati social media pages at mga tauhan, pinasok namin.

Subalit hanggang ngayon, nananatili kayong umiiwas at nagtatago. 

Kung ang Sangguniang Bayan ng Anga-Danan, Isabela, kaya n’yong bolahin at paasahin sa inyong pinagsasabi, ibahin n’yo ang BITAG.

Dahil kami ang nilapitan ng mga kawawang magsasaka, sisiguraduhin naming may mananagot sa inyo diyan sa Universal Leaf Philippines. Mahiya kayo sa maliliit na taong ginantso at pinagtataguan n’yo!

vuukle comment

FARMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with