^

PSN Opinyon

Kangkungan ang kinalagyan!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAY kasabihan na ang sobrang kayabangan, kapahamakan ang hahantungan. Ang pagiging arogante, kahihiyan ang kababagsakan. Nasa Bibliya din ito, sa Book of Proverbs.

Kapansin-pansin ang mga pulitikong sumubok gumiba, tumuligsa, nakipagsubukan, nanira at nambato ng putik sa kasalukuyang administrasyon – nagmukhang mga kawawang nilalang ngayon.

Bugtong-bugtong….

Una, ‘yung rebeldeng senador. Pinakamaingay noon at maituturing na “mortal enemy” ng administrasyon. Nagbabanta pa noon sa mga senate hearing – hindi daw forever si PRRD.

Kaso mo ngayon, siya ang tumatakbo ng pagka-senador, nasa kangkungan ang kaniyang rating. Hindi umubra ang kanyang pagkahol.

Ikalawa, kahit na anong pasikat ang ginawa sa senate hearing, hindi naman naging interesado ang mga tao, lalong nawalan ng gana.

Ang siste, wala siya sa radar o survey ngayon ng mga kumakandidatong pagka-senador. Sinabihan siya ni PRRD noon “iutot mo lang ‘yan.”

Etong una at ikalawang senador, nagbanggan sila noon sa Senado. Kumakahol na parang asong ulol yung isa habang ‘yung isa, halos malagutan ng hininga sa sobrang galit dahil tinawag siyang Komite de Areglo.

Ngayon, pareho silang hindi na pinapansin. Kahit na anong papansin, walang pumapansin.

Kesehodang  sumasakay, umaangkas  sa mga rally ng kanilang kapartido. Wala nang gustong makinig at laos na ‘yung kanilang pinagsasabi.

Etong ikatlo, hindi siya pulitiko. Opisyales siya ng pamahalaan pero may balak daw maging pulitiko sa hinaharap.

Walang pakundangan ang kanyang mga pinagsasabi at abot-langit ang kanyang kayabangan. Dahil lamang sa galit niya doon sa isang presidential aspirant na gusto niyang i-disqualify.

Hambog na akala mo siya lang ang magaling, matalino. Kaya tinuligsa niya lahat ng kanyang kasamahan sa institusyon

Kalalabas lang ng desisyon ng Comelec, tuloy ang candidacy ng mama. Sampal doon sa kanyang mga matitinding pagngawngaw.

Totoo nga ang kasabihan!

vuukle comment

BIBLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with