^

PSN Opinyon

Makati, may chocolate treats sa magpapabakunang 5-11-anyos

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Tiyak na matutuwa ang mga batang edad lima hanggang 11-taon na magpapabakuna kontra COVID simula ngayong araw na ito sa Makati.

Bukod sa paghahandang ginawa namin para maging maayos, maginhawa at ligtas ang kanilang vaccination, naglaan ang lungsod ng 10,000 chocolate candy bars na ipapamahagi sa kanila pagkatapos nilang mabakunahan. Primera klase ang binili naming produkto para naman mapasaya sila sa aming munting gantimpala.

Naalala ko na kapag dinadala ko ang aking anak na si Martina sa kanyang pedia para sa vaccine shots, binibigyan siya ng candy o lollipop pagkatapos. Maliit na bagay ito pero nakakapagpasaya sa mga bata, at nakakabawas sa kanilang takot na magpunta sa doktor para sa checkup o bakuna.

Ngayong umaga na sisimulan ang rollout ng bakuna sa mga bata sa dalawang eksklusibong vaccination sites para sa kanila – ang SM Makati at ang Nemesio I. Yabut Elementary School (NIYES) sa Guadalupe Nuevo.

Ang target po natin ay makapagbakuna bawat araw ng 500 bata sa NIYES at 400 naman sa SM Makati.

Mahigpit pa ring ipatutupad ang “no walk-in” policy at kailangan munang i-register online ang mga bata para manatiling maayos at ligtas ang proseso sa vaccination sites. Paalala sa mga magulang, pagkatapos mag-online registration, hintayin ninyo ang notification tungkol sa kanilang schedule bago magtungo sa vaccination site.

Bisitahin lamang ang covid19vaccine.safemakati.com, at irehistro ang bata sa alinman sa mga sumusunod na category: Makati resident, non-voter, o non-Makati resident.

Tandaan din po na dapat ang mismong birthday ng inyong anak ang ilalagay sa registration para maayos silang mabilang at mailagay sa tamang age bracket o category.

Muli akong nananawagan sa mga magulang at guardian na i-register ang mga batang may edad lima hanggang 11-taon para makatanggap ng bakuna. Kabilang sila sa vulnerable sectors na nanganganib na magkaroon ng malubhang kumplikasyon kapag sila ay nahawahan ng COVID.

Sana po ay patuloy tayong maniwala sa siyensiya at magtiwala sa mabuting layunin ng pamahalaang lungsod. Ang tanging hangad namin ay maging malusog, malakas, at malayo sa sakit ang mga bata, lalung-lalo na ang mga Batang Makatizen.

Hinihingi ko pong muli ang inyong kooperasyon.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with