^

PSN Opinyon

Mga babala?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY kandidatong tumanggi na mainterbyu dahil bias umano sa kanya ang mamamahayag, partikular ang mga tanong na may kinalaman sa kanyang diktador na ama, ang mga paglabag sa napakaraming krimen laban sa karapatang pantao, at ang mga ninakaw na bilyun-bil­yong piso sa loob ng dalawang dekada. Ayaw lang niyang harapin ang mga tanong na iyon. Hindi naman niya matatakasan ang kanyang pangalan. Siya ang tanging kandidato sa pagka-pre­sidente na hindi nainterbyu. Hindi iyon pinalampas sa social media. Binatikos nang husto at kung anu-ano ang tinawag sa kanya.

Pagkatapos ay sinabi niya na kung mahahalal na presidente, hindi niya papayagang maisapubliko ang kanyang SALN, na tila gumaya sa pahayag ni President Duterte na ayaw ding ibunyag ito. Lahat ay may pinapaborang kandi­dato. Maliban na lang kung walang planong bumoto sa darating na eleksiyon. Kung paano isinasagawa ang isang interbyu ay hindi dapat ikabahala ng iniinterbyu kung makapagbibigay siya ng mga sagot kahit sa pinakamahirap at pinakakontrobersyal na mga tanong. Ipakikita nito ang kan­­yang karakter. Hindi nangyari iyon. Ang nais ba niya ay siya naman ang pinapaboran ng nag-iinterbu? Tungkol naman sa kanyang pahayag sa hindi pagsasapubliko ng kanyang SALN dahil ginagamit lamang para manira ng tao, silipin natin ang batas.

Ayon sa Art. XI Sec. 17 ng 1987 Philippine Constitution­, “Lahat­ ng mga pampublikong opisyal at empleyado, regular man o nasa ilalim ng pansamantalang katayuan, ay kina­ka­­ilangang maghain ng SALN.” Higit pa rito, nakasaad sa Sec. 8 ng RA 6713 “Ang mga opisyal at empleyado ng publiko ay may obligasyong magsagawa at magsumite ng mga de­kla­rasyon sa ilalim ng panunumpa, at ang publiko ay may karapatang malaman, ang kanilang mga ari-arian, panana­gutan, netong halaga at mga interes sa pananalapi at negosyo kabilang ang kanilang mga asawa at walang asawang mga anak sa ilalim ng 18 taong gulang na nakatira sa kanilang mga sambahayan.”

Sa palagay ko ay wala nang ibang paraan upang big­yang-kahulugan pa ito maliban kung isasantabi ang Kons­ti­tusyon at gagawa ng sariling patakaran. Tungkol naman sa mga Pro­hibited Acts na nakasaad sa Paragraph D ng parehong seksyon, sino ang magpapasya kung ano ang gagawin sa mga na-publish na SALN? Kung ang isang SALN ay nagpapakita ng mga kuwes­tiyonableng kita sa mga ari-arian sa panahon ng panunungkulan ng tao sa gobyerno, mali bang magtanong? Kumikilos ba ang Ombudsman laban sa mga nagtatanong? Kung walang itinatago, ano ang dapat ikabahala?

Marahil dahil sa matinding batikos na kanyang inabot, “nilinaw­” ng kandidato ang kanyang katayuan sa SALN at handa siyang­ isapubliko ito. Ang mga ibang pahayag niya ay handa siyang maglagay ng kamag-anak niya sa Gabinete kung magaling naman daw ito. Narinig na natin iyang “best and the brightest”, hindi ba? Nagsisimula na ba tayong makakita ng mga babala mula sa kandidatong ito habang papalapit ang panahon ng kampanya? Kailangang matuloy ang debate sa pagitan ng lahat ng kandidato sa pagka-pre­sidente para makita ang kani-kanilang kakayahang sumagot sa mga tanong. Wala naman sigurong angal na riyan.

vuukle comment

SALN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with