^

PSN Opinyon

Mga hindi nabakunahan naman ang pinag-iinitan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG Hulyo 2021, nakatagpo ako ng news feed kung saan sinabi ni Alabama Gov. Kay Ivey, na oras na para simulan ang pagsisisi sa mga hindi nabakunahan para sa pagdami ng mga kaso noong panahong iyon. Wala pang Omicron variant noon. Pero tila maliit o baka walang epekto ang pahayag ni Gov. Ivey.

Ayon sa ourworldindata.org/covid-vaccinations, 62.4% ang kumpleto ang bakuna habang 12.24% ay bahag­yang nabakunahan sa US. Tila bumagal na nga nang husto ang pagbabakuna sa US dahil ito na marahil ang mga die-hard anti-vaxer at anti-masker na naniniwala sa mga katawa-tawang teorya tungkol sa COVID at mga bakuna.

Ngayon, ang gobyerno naman natin ang tila pinag-iinitan na rin ang mga di pa nabakunahan. Ipinatupad na ang “no vax, no ride” sa mga pampublikong sasakyan kasunod ng banta ni President Duterte na arestuhin ang mga hindi pa nabakunahan na ayaw manatili sa kanilang tahanan. Gaya ng inaasahan, tutol ang Commission on Human Rights (CHR) ang anumang paghihigpit sa mga hindi nabakunahan dahil lumalabag ito sa mga indibiduwal na karapatan at binansagan pa ito bilang anti-poor.

Ang ilang mga kandidato para sa pagka-presidente ay nagbigay na rin ng kani-kanilang opinyon. Si Vice Pres. Leni Robredo ay nagmumungkahi ng “positive reinforcement” at huwag idaan sa takot o pagbabanta upang mas makumbinsi ang maraming tao na mabakunahan. Tinutulan ni Senador Manny Pacquiao ang mga paghihigpit sa hindi nabakunahan habang mas gusto ni Manila Mayor Isko Moreno na bigyan ng insentibo ang mga nabakunahan.

Parehong nilagdaan ng Maynila at Pasig ang mga ordinan­sang nagbabawal sa pagkilos ng mga taong hindi pa nabakunahan. Sumasang-ayon ang mga operator ng pampublikong sasakyan sa no “vax, no ride” at maglalagay pa umano ang DOTr ng mga “mystery passengers” upang matiyak na maipapatupad ang patakaran. Maraming kainan ang nangangailangan ng mga vax card bago papasukin.

 Natural, gusto ko mas maraming mabakunahan sa lalong madaling panahon. Kumpleto ako ng bakuna at nakatanggap na rin ng booster. Ipinaliwanag sa akin ng aking kapatid na ang Delta at Omicron variants ay nag-mutate mula sa hindi nabakunahan. Dahil ang karamihan sa populasyon ng mundo ay hindi pa nakakatanggap ng kahit isang shot ng bakuna, nagbibigay ito nang maraming pagkakataon sa coronavirus na maglabas pa ng bagong variant.

Ngunit ang pagpaparusa o pagmulta sa hindi nabakunahan ay maaaring hindi pinakamahusay na paraan upang kumbinsihin sila. Sumasang-ayon ako sa positibong reinforcement at pagbibigay ng mga insentibo sa mga nakatanggap ng bakuna. Kung mayroon man tayong nalalaman tungkol sa mga Pilipino, gusto nila insentibo at gantimpala.

Noong Disyembre 29, 2021, 33.64% ng populasyon ang ganap na nabakunahan habang 16.89% ang unang nabakunahan batay sa datos ng ourworldindata.org. Sana mga porsiyento rin ang ipinapakitang datos ng DOH sa kanilang website at hindi lamang ang bilang ng mga dosis na ibinigay.

Ngayong kumakalat ang Omicron variant sa bansa, dapat sapat na dahilan iyan upang mabakunahan sa lalong madaling panahon. Kung hindi, ang administrasyong ito ay may kakayahang gumawa ng higit pang mga mahigpit na hakbang.

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with