^

PSN Opinyon

Huwag magkampante, patuloy na mag-ingat sa COVID-19

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Mainit na usapin ngayon ang pagpapasara namin ng isang quarantine hotel sa lungsod dahil sa paglabag ng mga patakaran at protocols tungkol sa quarantine.

Hindi ko gustong pag-usapan ang mga detalye ng isyung ito ngunit gusto kong paalalahanan ang lahat ng establisimento at negosyo sa Makati na mayroon po ta­yong mga dapat sundin para sa kaligtasan at kalusugan ng mga tao sa ating paligid.

Simula pa lamang ng pandemya, mahigpit na tayong sumusunod sa mga health guidelines pati na rin sa mga rules on physical distancing, disinfection, at temperature checks na inilatag ng IATF. Malaki ang naitulong nito sa pagbagal ng transmission ng COVID-19 sa ating mamamayan at empleyado na nagtatrabaho sa Makati.

Hindi rin ito ang unang beses na nagpasara tayo ng negosyong lumabag sa mga panuntunang ito. Marami-rami nang mga restaurant, bar, KTV, at iba pang negosyo ang nabigyan ng warning o kaya ay ipinasara dahil sa paglabag sa protocols. Hindi kami mag-aatubili na gawin ito sa kahit ilan pang establisimento para maprotektahan ang kalusugan ng mga empleyado, customer, at kanilang mga pamilya.

Sa ngayon ay mayroon tayong Omicron variant na sinasabing mas mabilis makahawa kaysa sa mga naunang variant ng coronavirus. Bagamat napakarami na ang nabakunahan at na achieve na natin ang herd immunity ay hindi ibig sabihin nito na hindi na tayo maaaring magkasakit.

Ang taong may bakuna ay may proteksyon laban sa virus ngunit maaari pa rin siyang makahawa ng mga bata o mga indibidwal na hindi pa bakunado. Maraming buhay ang malalagay sa peligro kapag ang tao ay naging kampante at kinalimutan na ang mga panuntunan tungkol sa pag-iingat at pag-iwas na mahawa ng virus.

Muli ko pong hinihingi ang inyong tiwala at ­pang-unawa. Hayaan po sana ninyo kaming gawin ang mas nakabubuti para sa karamihan. Ang sabi nga po ay “the needs of the many outweigh the needs of the few”. Sa usaping ito ay public health at safety ang dapat mangibabaw.

Napakarami na po nating isinakripisyo para maitawid ang Makati at ang mga mahal nating Makatizen sa pandemyang ito. Samahan at pagtiwalaan n’yo po sana kami hanggang sa huli.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with