^

PSN Opinyon

Bagong taon, bagong hamon

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Happy New Year sa lahat ng giliw na tagasubaybay ng aking column. Kakaibang bagong taon ang tumambad sa atin itong 2022. Hindi lamang ang pagputok ng bawal na firecrackers ang naranasan. Sinabayan ito ng pagsabog ng COVID infections na akala nati’y nakontrol na nang umabot ng Pasko.

Sa buong mundo, nagtataasan ang bilang ng nagkakasakit dala ng pagpasok ng Omicron. May mangilan-ngilang bansang hindi gaanong apektado dahil sa mas matindi nilang pag-iingat. Ang akala natin ay kasama tayo sa mga pinagpala. Bida pa nga noon ni IATF Chair Gen. Carlito Galvez na ang Pilipinas ang “best country in the world” na magdiwang ng Pasko dahil sa maganda nating COVID performance. Totoo ito hanggang makalipas ang Pasko dahil muling sumipa pataas ang impeksiyon noong Disyembre 26.

Ang bilis nating nabalikan ang mataas na inabot nang kasagsagan ng Delta surge noong Agosto at Setyembre. Nangyari ito sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang tanong ay kung ito ba’y dahil sa Omicron na alam nating nakapasok na sa bansa?

Makatulong sa pag-unawa ang pinakahuling istatistika kung saan parang bumagal na rin ang pagbulusok ng nagpopositibo. Sa Metro Manila, pumalo ng 21% at sinundan ng 28% nang magkasunod na araw matapos ang katapusan ng taon. Pero ang pangatlong araw ay tumukod sa 28.7% lang.

Tinatayang ang pagtigil ng mga pagtitipon tipon matapos ang New Year ang nagdala rin ng pagbabagal. Kung totoo ito, posibleng makokontrol pa natin na hindi tuluyang sumabog muli ang COVID.

Ang pinaka-kritikal na hakbang ay ang paniguro na tumuloy ang kampanya ng pagbakuna at pag-booster. Ang isang sanhi ng pagbuti ng ating bilang bago mag-Pasko ay ang pagtaas ng vaccination rates. Kaya nga lang ay bumagal din ang pagbakuna nitong katapusan ng taon.

Kailangang kapit-kamay ang vaccination at ang pagsunod sa mga patakarang pangkalusugan upang maging mas mabisa ang depensa laban sa COVID maging Delta man ito o Omicron. Nagawa na natin ito bago mag-Pasko. Kailangan natin ito pangatawanan upang matulungan ang sarili na bumangon at lumaban.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with