^

PSN Opinyon

Kulay ube at asul na pagkain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang mga prutas at gulay na kulay ube (purple) at asul (blue) ay kadalasang mabuti sa puso, tiyan at nagpapalakas din ng katawan. Ang mga pagkaing ito ay may sangkap na “anthocyanins” at iba pang anti-oxidants tulad ng lutein, resveratrol, vitamin C, flavonoids, ellagic acid at quercetin.

Dahil dito, masustansya ang mga pagkaing may gani­tong kulay tulad ng asul na ubas at talong.

1. Asul na ubas – Ang ubas na kulay asul ay may taglay na flavonoids, quercetin, at resveratol (nasa balat ng ubas). Ayon sa pagsusuri, ang ubas ay nagpapataas ng good cholesterol. Pinipigilan nito ang pagbuo-buo ng platelets sa dugo para hindi magbara ang ugat. Ayon sa mga eks­perto, mas masustansya ang asul, pula at itim na ubas kumpara sa berdeng ubas.

Ang ubas ay napag-alaman din na may panlaban sa virus at bacteria. Para sa maysakit, mainam silang pakainin ng ubas dahil pinapalakas nito ang immune system ng katawan at bibilis ang kanilang paggaling. Huwag lang kumain ng sobrang daming ubas at ito’y nakatataba rin. Sa bawat kainan, 12 pirasong ubas lang ang nirerekomendang kainin.

2. Talong o eggplant – Ang talong ay may taglay na carbohydrates, potassium, calcium, vitamin B at vitamin­ C. Ayon sa pag-aaral, ang talong ay mayaman sa phytochemicals na makatutulong sa pag-iwas sa kanser. Mayroon ding sangkap na diuretic o pampaihi ang talong na makabubuti sa mga pasyenteng may bato sa bato (kidney stones) at high blood pressure. Makatutulong din ang talong sa pagtunaw ng kinakain.

3. Ube – Ang ube ay may carbohydrate at fiber na puwedeng kainin ng mga may diabetes at sakit sa puso. Mataas ito sa vitamin C at vitamin B na mahusay sa ating balat at dugo. Mayaman ito sa potassium, copper at manganese na kailangan ng ating katawan.

Ang iba pang masustansiyang kulay asul na prutas at gulay ay ang prunes, blueberries at kulay ube na repolyo.

vuukle comment

UBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with