^

PSN Opinyon

Lakas ng hatak ni Sara 

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

HINDI maikakaila na talagang ang lakas ng hatak ni presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio sa masa ayon sa nakikita sa mga caravan at maging sa mga pulong-pulong ng mga tao kung saan man siya mapadpad.

Siguro kung tumakbong presidente si Sara sa May 2022 na halalan,  tiyak landslide siya kung maihahambing sa mga kalaban niyang tatakbo sa nasabing puwesto. 

Ngunit kahit na nakapagdesisyon siyang tumakbong vice president, hindi pa rin nawawala ang kanyang hatak sa tao mapa-Luzon, Visayas o Mindanao man.

Sa kabilang dako naman, nagkataon nga lang na ang May 2022 election ay nasa gitna ng pandemic na lubos na nakakabahala dahil maraming namamatay at ito ay nakakahawa lalo na pag maraming tao ang nagsama-sama sa isang okasyon at iisang lugar sa panahon ng kampanya.

Sana nga tuluy-tuloy na ang kaginhawahan na natamasa natin nitong mga huling araw sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kahit paano, nakakangiti naman tayo na sa gitna ng COVID-19 pandemic at nakakabati naman tayo sa isa’t isa ng “Merry Christmas”.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with