^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magtayo ng istruktura sa Ayungin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Magtayo ng istruktura sa Ayungin

Tanging sina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. at Defense Sec. Delfin Lorenzana lamang sa mga tauhan ni President Duterte ang may matapang na nagpapahayag ng kani-kanilang saloobin laban sa pag-ookupa ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ipinakita nila na mayroon silang pangil sa naghahari-hariang China pero hindi naman nila ito gaanong maikagat. Si Locsin, pinagmumura sa kanyang Twitter account ang China noong nakaraang Hunyo dahil sa pananatili ng mga barko nito sa WPS. Sabi niya, anong klaseng kaibigan daw ang China. Nang bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang dalawang bangkang Pinoy na maghahatid ng supply sa mga sundalong nasa Ayungin Shoal, gigil na sinabi ni Locsin na magpa-file siya ng diplomatic protest. Mula nang maglipana ang mga barko ng China sa teritoryong napanalunan ng Pilipinas sa arbitrary ruling ng UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) noong 2016, napakarami nang protesta ang kan­­yang nai-file laban sa China. Pero hanggang doon lang. Matalas ang pangil ni Locsin pero hindi maikagat.

Si Defense Sec. Lorenzana ay gigil na gigil na rin sa China dahil sa ginagawang pambu-bully at pananatili ng mga barko nito sa WPS. Nagpanting ang taynga ni Lorenzana nang sabihin ng China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal dahil may commitment dito ang Pilipinas. Sagot ni Lorenzana, walang commitment ang Pilipinas at hindi nito aalisin ang barko sa Ayungin dahil teritoryo iyon ng Pilipinas na napana­lunan sa arbitrary ruling noon pang 1982.

Noong nakaraang Abril, nagputok ang butse ni Lorenzana sapagkat 300 barko ng China ang humimpil sa Julian Felipe Reef na nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Sinabihan ni Lorenzana ang China na paalisin ang mga barko. Sagot ng China, nagkukubli­ lang daw sila roon dahil may bagyong paparating. Sabi naman ni Lorenzana, hindi siya naniniwala na sumisilong lamang ang mga barko sa reef dahil masama ang panahon. Hindi raw siya gago para paniwalaan ang sinabi ng ambassador ng China.

Lumalaban si Lorenzana pero hindi sapat. Isa sa dapat gawin niya ay ang maglagay ng permanenteng istruktura sa Ayungin Shoal. Hindi sapat ang kinakalawang na BRP Sierra Madre roon na station ng Philippine Marines. Dapat matibay na isruktura na magpapakita na ang Ayungin ay pag-aari ng Pilipinas. Kapag nagawa ito ni Lorenzana, siya ang pinakamagiting na tauhan ni Duterte – may pangil at kumakagat sa nambu-bully.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with