^

PSN Opinyon

Saksi ako sa pagbagsak ni Ferdinand Marcos, Sr.

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Napakatalino ni yumaong dating President Ferdinand E. Marcos at ewan ko lang kung mapapantayan ng kanyang anak na si Bongbong (kumakandidatong Presidente ngayon) ang kanyang galing bilang leader.

Kinober ko si Marcos mula 1979 hanggang 1986 nang mapatalsik siya sa pamamagitan ng people power revolution. Dalawampung taon na pinamunuan niya ang bansa. Sa loob ng pitong taon kong pagko-cover sa kanya, saksi ako sa unti-unting pagbagsak ng kanyang kalusugan kasabay ng kakayahang mamuno sa bansa.

Maugong ang bulong-bulungan noon na may malubhang karamdaman ang Presidente. Lupus, isang sakit na walang lunas. Pinasisinungalingan lagi ito ng Presidente sa mga press interviews. Kapag tinanong siya tungkol dito ang parati niyang sagot ay “gusto n’yo akong subukan ng isang round sa ring?”

Ngunit sa paglipas pa ng mga taon, unti-unting lumantad­ ang senyales ng kanyang karamdaman. Kung minsan, mukha siyang malusog at mamula-mula ang kutis at may panahon namang namamaga at maputla ang kanyang mukha. Isa-isa ring nawala ang mga dati niyang physical activities tulad ng pagbubuhat, jogging at paglalaro ng golf.

Nang paslangin si dating Sen. Ninoy Aquino sa Manila International Airport, sinasabing kasasailalim pa lang ni Marcos sa isang kidney transplant operation. Pasuray-suray niyang hinarap ang media matapos ang sitwasyon at pilit pinagtatakpan ang tunay niyang kalagayang pang­kalusugan.

Tatlong taon pa niyang pinamunuan ang gumegewang na pamahalaan kahit pa masama na ang kanyang kalusugan hanggang dumating ang people power revolution noong 1986 na nagpatalsik sa kanya sa kapangyarihan.

vuukle comment

FERDINAND E. MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with