^

PSN Opinyon

Makati, ready na para sa pilot run ng face-to-face classes!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

HANDANG-HANDA na kami para sa pilot run ng limited in-person classes sa Comembo Elementary School (CES) sa Makati ngayong araw.

Matapos ang halos dalawang taon, muling makakapasok sa paaralan ang 72 estudyante mula Kinder hang­gang Grade 3 na kalahok sa pilot run.

Alam kong may takot at pangamba ang mga magulang na pabalikin ang kanilang mga anak sa eskuwela. Ngunit tinitiyak ko sa inyo, ginawa ng lungsod at ng DepEd Makati ang lahat ng pag-iingat at paraan para maging ligtas at malayo sila sa sakit. 

Ang protocols at guidelines na aming ipinatutupad ay bunga ng research at pag-aaral ng mga eksperto. Wala kaming ibang hangad kundi ang maipagpatuloy nang ma­ayos ang pagkatuto ng mga bata sa face-to-face setting kung saan mas magagabayan sila ng kanilang mga guro.

Bilang proteksyon ay naglagay kami ng automatic ther­mal scanners sa entrance ng paaralan para ma-mo­­nitor ang temperature ng mga teacher at estudyante bago pumasok. 

Ang malaking kaibahan ng Comembo Elementary School ay walang plastic barriers sa loob ng classroom. Pinili namin na gumamit ng air purifiers at ultraviolet C (UVC) lights habang nagkaklase para masiguro ang tamang bentilasyon at protektahan ang mga bata laban sa coronavirus at iba pang uri ng mikrobyo sa paligid. 

Kumunsulta kami sa mga eksperto at mga siyenti­pikong pag-aaral bago nagpasiyang gamitin ang mga nasa­bing teknolohiya. Mas mainam na walang plastic barriers para maka-circulate ang hangin sa loob ng classroom at hindi rin makakasagabal sa paggalaw ng mga bata at guro.

Praktikal din na mag-invest sa mga nasabing kaga­mitan dahil magagamit pa rin ang mga ito kahit wala na ang banta ng pandemya. Ang UVC lights ay epektibong nakapapatay ng iba’t ibang uri ng virus. Nililinis naman ng air purifiers ang hangin na umiikot sa buong classroom.

Ito ang naisip naming paraan para kahit maibaba o maalis ng mga bata ang kanilang mga face mask ay malinis pa rin ang hangin na kanilang malalanghap. 

Maagang napagplanuhan at naisagawa ng Makati, katuwang ang DepEd Makati, ang paghahanda sa pag­babalik ng face-to-face classes. Maagap naming naipamahagi ngayong pasukan ang mga bagong learner’s package na may OTG flash drive, mga bagong uniporme, sapatos, bag, at school supplies sa mga estudyante ng public schools.

Patuloy din silang binibigyan ng load allowance na pang-limang oras kada araw para makasali sa synchronous classes.

Nag-iikot pa rin ang 27 Dyip ni Maki mobile learning hubs para tulungan ang mga mag-aaral na makasabay sa blended learning. May itinalaga ring isang unit para sumundo at maghatid sa mga estudyanteng kasali sa pilot face-to-face classes.

Mula nang nagkapandemya, binigyan namin ng prayoridad ang pagpapatuloy ng edukasyon ng kabataang Makatizen nang sa gayon, walang mapag-iiwanan sa kanila. Sa tulong ng wastong paggamit ng teknolohiya, naitawid namin sila sa nakaraang school year hanggang sa ngayon.

Unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay sa Makati at sa iba pang lungsod sa bansa. Dalangin ko ang patuloy na pagbaba ng transmission rate ng coronavirus at ang panunumbalik ng sigla at saya ng bawat isa, lalo pa’t nalalapit na ang kapaskuhan.

vuukle comment

FACE TO FACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with