^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Private armed groups hamon sa PNP

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Private armed groups hamon sa PNP

AMOY election na. May mga nagaganap nang mga karahasan at patayan kaya hindi maipagkakailang papalapit na ang halalan. Karaniwang magkalaban sa puwesto ang mga nag-aaway gaya nang magkalaban sa pagiging konsehal, mayor at governor. Pawang sa lalawigan pa lamang may mga naiuulat na karahasan. Sa Metro Manila, wala pang naiuulat na karahasan na may kaugnayan sa elections. Siguro’y dahil wala pang pormal na kampanyahan. Asahan na pagsapit ng campaign period maaaring umusbong ang karahasan.

Ang campaign period para sa president, vice president, senator, at party-list groups ay magsisimula sa Pebrero 8 hanggang Mayo 7. At ang mga tatakbong kongresista, governor, mayor ay mula Marso 25 hanggang Mayo 7. Ipinagbabawal ang pangangampanya sa Mahal na Araw (Abril 14 at 15).

Sa panahong ito tiyak nang mamamayani ang private armed groups. Maghahasik sila ng karahasan para ang pinaglilingkurang pulitiko ang mamayani at manatili sa puwesto. Tatakutin nila ang mga botante. Sasakmalin ng sindak ang mamamayan. Ayon sa report, marami pa ring pulitiko sa Mindanao at Hilagang Luzon ang nagmimintina ng armadong grupo para gamitin sa election. Sisiguruhin nilang manalo.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), minomonitor nila ang 138 private armed groups na maaa­ring maghasik ng kaguluhan sa 2022 elections. Bukod sa mga pribadong armadong grupo, binabantayan din nila ang mga terorista na maaaring hadlangan ang pagdaraos ng election. Sabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos, mahigpit na nilang binabantayan ang mga grupong ito. Lahat daw ng galaw ng mga grupo ay kanilang minamanmanan. Lahat daw ng koneksiyon ng mga ito ay kanilang minomonitor.

Malaking hamon sa PNP ang private armed groups. Nararapat lansagin ang mga ito para matiyak ang mapayapang election. Kapag nanatiling aktibo ang mga armadong grupo, ang karahasan ay mangingibabaw at dadanak ang dugo. Sikapin ng PNP na bago sumapit ang campaign period, tukoy na ang mga armadong grupo at simulan na nilang lansagin ang mga ito. Hindi dapat mangibabaw ang karahasan sa darating na election. Samsamin din ang mga nagkalat at hindi lisensiyadong baril.

vuukle comment

ELEKSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with