^

PSN Opinyon

Gen. Carlos, makialam ka sa away ng STL at PNB sa Cagayan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAG-AAWAY ang opisyales ng Small Town Lottery (STL) at Peryahan ng Bayan (PNB) sa Cagayan kaya’t nagsisiraan sila. Nakatingin sa ngayon ang mga Cagayanon kay Gov. Manuel Mamba bunga sa kapag napabayaan n’ya ang problema, aba baka sumambulat ito sa mukha n’ya. Araguuyyyyy! Malapit na ang election at kailangan ni Mamba ng pondo at mas maganda kung nakabukas ang palad n’ya sa STL at PNB, di ba mga kosa? Siyempre, ang magkabilang panig ay nagsasabing legal ang operation nila subalit wala naman silang maipakitang ebidensiya. Hihihi! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, ilang taon ding tahimik na magkasamang nag-ooperate ang STL at PNB sa Cagayan at pagandahan sila ng modus para makahatak ng parukyano. Pabor naman ito sa mga Cagayanon dahil may pagpilian sila kung saan nila gustong tumaya. Nagsimula lang ang gulo nang ipasara ni Col. Renel Sabaldica, ang PD ng Cagayan, itong PNB dahil sa wala itong mandato mula sa PCSO. Sinang-ayunan ni Brig. Gen. Steve Ludan, ang RD ng PRO2, si Sabaldica sa pagsasabing hindi otorisado ang PNB na magpalaro sa probinsiya ni Mamba. Siguro malaki ang nawala sa kaban ng PNB dahil inilabas nila ang sulat ni PCSO Gen. Man. Royina Garma sa dating RD ng PRO2 kung saan hiniling niya na ipasara ang authorized agent nila sa STL na Charity Games of Chance Corporation (CGCC) dahil sa hindi pagbayad ng pagkakautang na umabot sa P1,035,133.520.25. Aba, kung nagbayad pala itong CGCC, na ang mga opisyales ay puro retired police at military heneral, puwede na itong pantulong sa gastusin sa pandemya o sa Universal Health Care (UHC) ni President Digong, di ba mga kosa? Hihihi! Murahin mo nga itong mga retiradong pulis ang military generals President Digong Sir para magbayad sila ng utang sa PCSO.

Sinabi naman ng mga kosa ko sa Cagayan, na tuloy lang naman ang operation ng STL at hindi pinapansin ng CGCC ang order ni Garma. Sa punto naman ni Ludan, may court order umano ang CGCC na nagsasaad na magkaroon ng arbitration itong STL at PCSO. Subalit nakalimutan ni Ludan na magpakita ng naturang court order. Sa tooo lang humiling ang management ng CGCC sa korte na ipasailalim sa arbitration sila sa PCSO subalit wala pang inilabas na order dito. Kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na ilegal pa din itong operation ng STL ng CGCC. Get’s n’yo mga kosa? Hihihi! Idiniin ni Ludan na hindi naman sila naging pabaya laban sa illegal gambling at katunayan maraming nahuli ang Cagayan police laban sa STL. Hihihi! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaaaa!

Iginiit pa ni Ludan na “no take policy” talaga s’ya sa illegal gambling alinsunod sa kautusan ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos. Totoo kaya ito Ogie Villangca, ng NBI, na ang dating pangalan ay Ogie Rodriguez? Panahon na siguro para makialam si Gen. Carlos sa away ng STL at PNB sa Cagayan. Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PNB

SMALL TOWN LOTTERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with