^

PSN Opinyon

Duterte hindi gumagamit ng teleprompter

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

MATATAPOS na lang ng may anim na buwan ang administrasyon ni President Duterte at siya ay bababa na sa tanggapan ng pinakamataas na opisyal ng Pilipinas.

Ngunit kapansin-pansin na sa may aabot anim na taon niyang paninilbihan bilang presidente si Duterte ay hindi gumagamit ng teleprompter sa kanyang mga talumpati.

Ang mga nagdaang pangulo ay gumagamit talaga ng teleprompter na nilalagay bago magsimula ang isang event para maging maayos at tama ang kung ano man ang nakasulat sa kanilang talumpati.

Parati kaming binibigyan ng advance copy at ang advice sa amin ng MARO ng Palasyo ay “check against delivery”.

Ngunit iba si President Duterte na sa buong termino niya mabilang lang ang mga panahon na gumamit siya ng teleprompter at iyon ay ang mga panahon na siya ay nagdedeliber ng kanyang anim na nagdaang State of the Nation Address (SONA).

At sa kanyang mga ibang talumpati lahat ay walang teleprompter. Salita lang siya nang salita minsan nga may mga salita pang hindi kanais-nais sa pandining ng karamihan.

Eh, ganun si Duterte. Tingnan natin ang ihahalal na presidenteng susunod sa kanya.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with