^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagbakuna sa mga bata, madaliin din

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pagbakuna sa mga bata, madaliin din

Pinangangambahan ang pananalasa ng Omicron variant sa bansa. Sabi ng Department of Health (DOH) tiyak na makakapasok ito at kaila­ngang mag­handa. Sabi ni DOH Sec. Francisco Duque­, sa isang press briefing hindi alam kung kailan maka­kapasok ang Omicron pero tiyak na makakapasok ito sa bansa.

Sabi ni President Duterte sana raw ay malabanan ng bakuna ang Omicron. Kaya hinihikayat niya ang mamamayan na magpabakuna. Sa ginanap na tatlong araw (Nob. 29, 30 at Dis. 1) na National Vacci­nation Day (NVD) naging matagumpay ito. Sa unang araw ay nakapagbakuna ng siyam na milyong katao, mas mababa­ sa target na 15 milyon pero sabi ng DOH maganda ang simula sapagkat nakita ang pagnanais ng mga tao na mabakunahan laban sa COVID-19. Dumagsa ang mga tao na nagmistulang prusisyon sa haba ang nagpapa­bakuna.

Hindi na katulad sa mga nakaraan na marami ang urong-sulong. Ngayon ay kusa nang nagtutungo sa vaccination sites ang mga tao para mabakunahan. Isa pa rin sa magandang nakita sa NVD, lahat nang walk-ins ay puwede nang mabakunahan. Hindi katulad noon na marami pang hinihinging papeles o mga identification cards bago mabakunahan. Sa pag­kakataong ito ay nagkaroon ng bayanihan kaya naging tagumpay ang pag­ba­bakuna sa masa.

Magkakaroon pa umano ng tatlong araw pang vacci­nation sa Disyembre 15-17, ayon sa DOH. Ina­­asahan na mas marami pang mababakunahan hang­­gang sa maabot ang target na 70 milyon ng popu­las­yon bago matapos ang 2020.

Nararapat din namang apurahin ang pagbaba­kuna sa mga batang edad 5-11 para maprotektahan din sila. Ang mga edad 12-17 ay kasalukuyang bina­bakunahan at ayon sa DOH at IATF ay maaaring matapos ang pagbabakuna sa mga ito sa Disyembre.

Nararapat mabakunahan ang mga bata lalo pa nga at sumulpot ang bagong variant na Omicron na natunton sa South Africa. Sinasabing mas mabilis makahawa ang Omicron at pati mga bata ay tinatamaan. Mas mabangis umano ang Omicron kaysa Delta variant.

Wala nang problema sa supply ng bakuna kaya nararapat na ring isama sa sama-samang pagbabakuna ang mga bata. Ngayong naghahanda na ang mga bata sa face-to-face classes, dapat mabakunahan muna sila para may matibay na proteksiyon sa virus. Kung maaari, isabay na ang mga bata sa gagawin muling National Vaccination Day na gagawin sa Dis. 15-17. Tiyakin din naman na pati ang mga guro ay bakunado.

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with