^

PSN Opinyon

Apat na kaligayahan, ayon sa bilyonaryo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Buhay, kalayaan at pagkamit ng kaligayahan ang pina­ka-mahahalagang karapatan. Alam ng marami ang kahu­lugan ng dalawang nauuna. Pero ang ikatlo – totoong kaligayahan – ano ba ‘yon.

Maaring pumulot ng aral sa kuwento ni Femi Otedola, bilyonaryo sa Nigeria, sa industriya ng langis at kuryente (salin mula online):

‘‘Nadaanan ko na ang apat na yugto ng kaligayahan sa buhay, at sa wakas nabatid ko ang kahulugan ng totoong kaligayahan.

‘‘Unang yugto ang pangangalap ng kayamanan at katatagan. Pero hindi ako nakaramdam ng totoong kali­gayahan.

‘‘Ikalawang yugto ang pangongolekta ng mamaha­ling ari-arian. Pero ang epekto nito ay panandalian lang. Nag­lalaho ang kinang nila.

‘‘Dumating din ang ikatlong yugto na pagkuha ng mala­laking proyekto. ‘Yon ay noong hawak ko ang 95% ng diesel supply sa Nigeria at Africa. Pinaka-marami rin ang mga barko ko sa Africa at Asia. Matindi ang mga pag­hamon. Ganunpaman hindi ko natikman ang kaligayahan na akala ko nu’ng una ay naroon.

‘‘Ika-apat na yugto nu’ng yakagin ako ng isang ka­ibigan na mag-abuloy ng wheelchairs sa mga batang lumpo. Agad ipinabili ko ang 200 daang wheelchairs na kailangan.

‘‘Pinakiusapan ako ng kaibigan na samahan siya sa pamamahagi ng wheelchairs sa mga bata. Kaya ako mismo ang namigay.

‘‘Nakita ko ang kakaibang kinang ng kaligayahan sa mukha ng mga bata. Pinanood ko sila subukan ang kani-kaniyang wheelchair, paandarin ito, at magkasiyahan. Para silang mga nasa-picnic.

‘‘Ang laking tuwa ko! Nu’ng paalis na ako, kumapit sa binti ko ang isang bata. Tinanong ko kung meron pa siyang ibang kailangan.

“Sa tugon niya ako nakaramdam ng ganap na saya. Aniya nais niya lang tandaan ang mukha ko, para pag magkita kami sa langit, maaalala pa rin niya ako at mapapasalamatan muli.’’

vuukle comment

FEMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with