^

PSN Opinyon

Huwag manigas

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Unang araw ng Disyembre. Dapat sana’y nagbubunyi na sa patuloy na pag-igi ng ating mga istatistika laban sa CO­VID-19. Ang tinatala nating bilang ay pinakamababa na sa isa’t kalahating taon. Mas maganda pa ang kalagayan­ natin ngayon kaysa bago ang mga peak o surge na pinag­daanan.

Noong Nobyembre ay hinayaan natin ang sarili na ma­ngarap ng maganda-gandang Pasko. Mahigit isang linggo nang mababa sa 1,000 ang ating impeksyon. At mahigit da­lawang linggo nang sumadsad ang positivity rate nang mababa sa 5%. Para sa World Health Organization (WHO), isa ito sa maituturing na tanda na kontrolado ang pandemya sa ating lugar.

Kaya nga lang ay muli tayong ginising sa katotohanan. Matagal pa bago tayo makatawid sa kabilang pampang. Nandito na ang pinakabagong variant ng virus – ang Omicron. Kung nag-umpisa tayo sa Alpha pagkatapos ay nag-mutate sa Beta bago inunahan ito ng Delta, itong Omicron ay pinag-aaralan pa kung magiging mas nakakahawa at kung kokontra sa mga bakuna natin.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong impormasyon. Sumulpot na itong Omicron sa napakaraming bansa. Doon sa South Africa kung saan unang natunton (dahil na rin sa galing ng kanilang mga laboratoryo), lumalabas na mas matindi talaga ito sa Delta.

Ang pinaghahandaan tuloy ng ibang bansa ay ang pagpapatatag ng kanilang depensa imbes na ang pagbukas ng todo ng ekonomiya. Tayo man ay muling nahaharap sa hamon. Magbabalik bang muli sa kuweba o matututong mabuhay na kasama ang virus? Alam natin na mas ligtas tayo kung maghihigpit subalit dama rin natin ngayon ang epekto ng sobrang paniniguro. Talagang napag-iwanan tayo ng mundo sa pag-ahon ng ekonomiya.

Habang wala pang ebidensiya, pakinabangan na natin itong pagkakataon na mababa ang impeksyon. Muling makilahok sa pagbuhay ng ating negosyo at industriya nang tayong lahat ay makaahon. Gaya ng sinabi ng tanyag na US President na si Franklin D. Roosevelt noong panahon ng pinakamalaking Depression sa mundo, huwag manigas sa takot na siyang hahadlang sa ating pag-abante.”The only thing we have to fear is fear itself.”

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with